Question 26. Ano ang pinaniniwalaan mo kapag sinasabi mong: “Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat na lumalang ng langit at lupa?” Na ang walang pasimula’t walang hanggang Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na siya ring lumikha mula sa wala ng langit at ng lupa at ang lahat ng naroroon, at patuloy na nag-aalalay at namamahala ng mga ito sa pamamagitan ng kanyang walang hanggang panukala at pagkalinga, ay aking Diyos at Ama alang-alang kay Cristo na kanyang Anak. Sa kanya ako ay nagtitiwalang lubos kung kaya’t wala akong pag-aalinlangan na ipagkakaloob niya sa akin ang lahat ng bagay na kailangan ng aking katawan at kaluluwa, at gagamitin rin niya para sa aking ikabubuti ang anumang pagsubok na ipapadala niya sa akin sa mapighating buhay na ito. Kaya niyang gawin ito dahil siya ay ang makapangyarihang Diyos, at ibig niya ring gawin ito dahil siya’y isang matapat na Ama.