Naranasan mo na bang ma inlove sa kaibigan mo? Or sa bestfriend mo. Yung pagmamahal na di mo dapat maramdaman sa isang kaibigan ang turingan, pero minahal mo kahit imposible siyang maging sayo. Kasi alam mong may mahal na siyang iba, at natatakot kang sabihin sa kanya ang nararamdaman mo kasi baka masira lng ang pagkakaibigang binuo ninyo. Kaya kahit mahirap at masakit na makita ang taong mahal mo na may mahal nang iba, pinagpatuloy mo parin ang pagsuporta sa kanya kahit nasasaktan kna.
Mas pinili mo parin ang mag stay sa tabi niya bilang kaibigan,kaysa lumayo para maiwasan ang masaktan ka. Pinahalagahan mo parin ang pagkakaibigan ninyong dalawa kahit nahihirapan kana sa nararamdaman mo.
Kasi sa puso mo importante siya sayo na kaya mong burahin ang nararamdaman mo makita mo lng siyang maging masaya kasama ng taong Mahal niya. Songs: Ikaw at Ako by Moira Dela torre, Hiling by Mark Carpio ikaw nalang sana by mark carpio Kakayanin by Maymay Entrata Paano na kaya by Bugoy Drilon Love me by yiruma