Maraming tao ang may maling pag-aakala na ang bibliya ay para lamang sa mga aral at matatalino. Sa iba naman ay marami itong pagkakasalungat. Ngunit lingid sa maling pananaw ang bibliya ay nagpapakilala kung sino si HesuKristo at ang Kanyang kaligtasan, nagtuturo ng katuwiran at kaalaman, nagbubunga ng pag-asa at kalakasan, nagdadala ng biyaya, at nagdudulot ng kapayapaan at nagbibigay ng buhay. Samahan niyo kaming talakayin ang pagpapatuloy ng dalawa sa tatlong pag-aaral sa paksang ito. Hango sa lesson 3 at ika-10th session ng workbook na aming tinatalakay sa aming daily bible studies sa bukirin.