Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at Ilocano

Kuwento kay Mother Teresa ng Kolkata - Tagalog version


Listen Later

Inspirational narrative about Mother Teresa of Calcutta in Tagalog language version.

EXCERPT:

Habang nasa Kolkata noon si Mother Teresa, marami ang panahong taghirap ang mga tao. Kulang na kulang ang pagkain at

nagkanda-gutom ang mga tao. Daan-dang libung tao ang mga namamatay dahil sa gutom.

Sa mga panahong yaon, kinakailangan ang asukal dahil ginagamit nila itong panglahok sa kaunting kanin para kahit katiting lamang ang makain, ito’y makakapagbigay na ng lakas sa katawan. At kung kaya rin, kahit kaunti lamang ang kanin kapag ito’y may halong asukal, naibabahagi ito sa mas madaming tao.

Nagkaroon ng karanasan noon si Mother Teresa na kanyang ibinahagi tungkol sa isang batang lalaking Hindu. Apat na taong gulang lamang ang batang ito.

Ang sabi ni Mother Teresa: “Hindi pa nagtatagal noon na dumating ang taghirap at nahirapan kaming makapaghanap ng asukal. Hindi ko mawari kung papaano kumalat sa mga bata ang balita ng pangangailangan namin. Pero meron isang batang Hindu noon na nagsabi sa kanyang mga magulang ‘Hindi ako kakain ng asukal ng tatlong araw, at ibibigay ko ang asukalko kay Mother Teresa para may maibigay sa mga batang inaalagaan niya.’ Tatlong araw makaraang hindi kumain ng asukal ang bata, pumunta sa akin ang mga magulang ng bata.”

Ayon kay Mother Teresa, iyon pa lamang ang una niyang pagkakakita sa mag-anak na ito. Sabi niya: “Yong batang dala nila, ay ni hindi pa nga niya mabigkas ang pangalanko pero siya ang sobrang nagkagustong pumunta sila sa akin para ibigay iyong asukal na inipon niya at maibigay sa mga batang alaga namin sa eskuwelahan.”

CONTINUE ON (LISTEN TO PODCAST)

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at IlocanoBy Norma Hennessy