Pathways of Hope

LANDAS NG PAG-ASA : “LEVEL UP!”


Listen Later

LUNES, Abril 20, 2026

Lunes sa Ikatlong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesu Kristo

Paggunita kay Santa Agnes de Montepulciano, dalaga

LANDAS NG PAG-ASA : “LEVEL UP!”


[MABUTING BALITA]: : JUAN 6:22-29

Kinabukasan, matapos pakainin ni Jesus ang limanlibong tao, nakita ng mga taong naiwan sa dalampasigan na iisa lamang ang bangkang naroon. Nalaman nilang si Jesus ay hindi kasama ng mga alagad nang ang mga ito ay sumakay sa bangka dahil ang mga ito lamang ang umalis. Dumating naman ang ilang bangkang galing sa Tiberias at dumaong sa lugar na malapit sa kinainan nila ng tinapay matapos magpasalamat ang Panginoon. Kaya’t nang makita nilang wala roon si Jesus at ang kanyang mga alagad, sila’y sumakay sa mga bangka at pumunta sa Capernaum upang hanapin si Jesus. Nang makita nila si Jesus sa ibayo ng lawa, siya’y tinanong nila, “Guro, kailan pa kayo rito?” Sumagot si Jesus, “Totoo ang sinasabi kong ito: hinahanap ninyo ako, hindi dahil sa mga himalang nakita ninyo, kundi dahil nakakain kayo ng tinapay at nabusog. Huwag ang pagkaing nasisira ang inyong pagsikapang kamtan, kundi ang pagkaing hindi nasisira na nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Iyan ang ibibigay sa inyo ng Anak ng Tao, sapagkat ipinapakita ng Diyos Ama na siya ang may ganitong karapatan.” Kaya’t siya’y tinanong nila, “Ano po ang dapat naming gawin upang aming matupad ang ipinapagawa ng Diyos?” “Ito ang ipinapagawa sa inyo ng Diyos, sumampalataya kayo sa sinugo niya,” tugon ni Jesus.



Pagninilay ni Edwin Hermoso : Professional photographer. Site Leader-Pathways Alabang, Pastoral Leader- South District of Ligaya ng Panginoon.


#POHopgiver #LandasngPagasa #catholic #biblereadings #jesus #catholicchurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

Pathways of HopeBy POH Team