Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at Ilocano

Leonardo Da Vinci Kuwentong Tagalog


Listen Later

Inspirational narrative about Leonardo Da Vinci and his genius in Tagalog.

EXCERPT:

Ang “Huling Hapunan” ay larawang gawa ni Leonardo da Vinci. Ginawa niya ito sa laon ng pitong taon. Sa kanyang obra maestra na ito, lahat ng mga nailarawang pigura nung labindalawang apostoles ni Hesus ay imahe ng mga totoong tao na pinili niya na gumanap na modelo para sa mga apostoles. Ang modelo ng imahe ni Hesus ang unang hinanap ni Leonardo.

Taong MIL KUWATRO SIYENTOS NUBENTAY KUWATRO, 1494 noong inatasan ng pinakamataas na otoridad ng siyudad ng Milan sa Italia a ni Duke Ludovico Storza si Leonardo na magpinta ng larawan na pinamagatang “Ang Huling Hapunan.”

Daan-daang mga kabataang lalaki ang pumuntang nagpalista para sumubok na magmodelo. Sila ang mga pinagpili-an ni Leonardo ng kanyang modelo para sa imahe ni Hesus. Masinsinan ang kanyang pamimili dahil ang kanyang hinahanap ay mukhang banal, dalisay at sadyang kaaya-aya. Subalit nahirapan siyang mahanap ng mukhang busilak na ang wangis nga pagkadalisay ay ni walang bahid n sala.

Ilang linggo ang dumaan na naghahanap siya noong nakita niya ang isang lalaking labing siyam na taong gulang. Nasa mukha ng kabataang ito ang hinahanap niyang uri ng pagmumukha na angkop na angkop sa imaheng sagrado na hanap niya. Imahe ni Hesus ang pinaka-una niyang ginawa at anim na buwan niyang isinagawa ito.

Sa mga sumunod na anim na taon, ipinagpatuloy ni Leonardo na ipininta ang larawan. Inisa-isa niyang ginawa ang mga imahe ng mga apostoles liban lamang ang imahe ni Hudas Iskariote. Ipinasya niya na ang pigura ni Hudas ang huli niyang gagawin. Iyon na rin ang pinaka-pinal niyang imahe sa kanyang dakilang obra-maestra.

Si Hudas ang apostol ni Hesus na nakipagkasunduan na tatanggap ng tatlumpong pilak bilang kapalit ng kanyang panli-linlang at pang-traidor kay Hesus. (Mangyaring alalain na isa sa mga pinakamalapit na apostol si Hudas kay Hesus subalit lihim na itinuro ni Hudas si Hesus sa mga Sanhedrin na naghahanap noon kay Hesus. Hinahanap nila si Hesus upang dakipin ito at papatayin. Lihim na ibinunyag ni Hudas si Hesus sa mga naghahanap sa kanya sa Hardin ng Geth-si-ma-ni sa pamamagitan ng kanyang paghalik sa pisngi nito).

Matagal na panahong namili si Leonardo ng modelo na na-a-angkop sa itsura ni Hudas. Ang imaheng hinahanap niya ay mayabang, malupit, napopoot at mabagsik na pagmumukha. Mukha ng kriminal na makasalanan; mukhang marka ng kasakiman, kasinungalingan at mapanukso ang kanyang hanap. Subalit, bagaman maraming tiyempong paghahanap ang dumaan, nagsimula siyang pinanghinaan ng loob na baka wala siyang mahanap na angkop sa pagmumukhang hanap niya.

Noong kinalaunan, may dumating na balita sa kanya – na ang kanyang hinahanap na modelo ay matatagpuan niya sa kulungan ng mga preso sa ilalim ng lupa sa siyudad ng Roma. Ang presong ito ay sentensiyado na noon na mabitay dahil sa pagpapatay.

CONTINUE ON (LISTEN TO PODCAST FOR THE WHOLE STORY)

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at IlocanoBy Norma Hennessy