Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at Ilocano

Mahatma Gandhi - Ama ng Bansang India - Tagalog


Listen Later

Inspirational account about Mahatma Gandhi in Tagalog.

EXCERPT:

Mohandas Karamchand Gandhi ang kanyang totoong pangalan. Kilala siyang isa sa mga pinakadakilang lider na espiritwal at lider ng politika na nabuhay sa mundo noong ika – dalawampung siglo. Bayaning Iniyano si Mahatma at siya ang arkitekto at namuno ng mapayapang rebolusyon ng mga Indiyano laban sa paghahari ng banyagang gobyerno at pamunuan sa kanila. Nangyari itong paghihimagsik ng India sa gobyerno ng Britania noong unang bahagi ng pang dalawampung siglo – ito’y nangyari noong MIL NUEBE SIYENTOS TATLUMPO (1930).

Ang bansang INDIA ay nasa gitna ng kontinente ng Asia, sa bandang silanganin ng Pilipinas. Pinagharian ito ng mga Ingles mula noong MIL OTSO SIYENTOS LIMAMPU’T WALO (1858) hanggang Agosto MIL NUEBE SIYENTOS APAT NAPU’T PITO (1947).

Sa pamumuno ni Mahatma na mangampanya tungo sa kalayaan, nagtagumpay ang mga mamamayang INDIANO na nangkamit ng pagkakaroon nila ng sarili nilang pamahalaan para sa kanilang sariling bayan. Iyong sistema na isinagawa nila na pangangampanya ay naging kaiba sa mga paraang ginawa ng mga ibang lahi. Mapayapa lahat noon ang kanilang mga galaw. Ipinagdiinan nila na kapag haharap ka sa masama, kailangang kakapit ka sa mapayapa dahil kung magbabagsik ka, nawawala ang totoong diwa ng iyong pakay.

Pagkaraan ng ilang mga taon na pangangampanya ng mga mamamayan, nakamit nila ang kanilang kalayaan noong MIL NUEBE SIYENTOS APAT NA PU’T PITO (1947). Iyong mapayapang pamamaraan na isinagawa nila ay tinawag nila na ‘SATYAGRAHA’. Itong salitang SATYAGRAHA ay salitang Sanskrit at Hindi na ang katuturan na konsepto ay ‘walang hanggang pagkapit sa katotohanan’.

CONTINUE ON. Listen to the podcast for the full story.

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at IlocanoBy Norma Hennessy