Three Angels Hymn & Praise

Masdan at Unawain ang Tanda


Listen Later

Watch and Understand the Sign

Tagalog Adaptation by Zeres Vitto

© 2026 Zeres Vitto. All rights reserved.

Masdan at Unawain ang Tanda

{Taludtod 1}

Noo’y lumuha si Kristo

Pagtanaw sa Jerusalem,

Pagkat araw ay darating

Na mawawasak ang lungsod.

Ang hukbong Romano'y dumating,

Ngunit biglang umurong din;

Nakita ng tapat ang tanda

At tumakas sa dilim.

{Koro}

Masda’t unawain ang tanda,

Saliksikin ang Biblia;

Subukin bawat tinig at aral

Sa sinabi ng Panginoon.

Mga kaharian ay lilipas,

Ngunit Salita Niya'y tiyak;

Panghawakan ang pananalig,

At itanghal ang Pangalan Niya.

{Taludtod 2}

Lumipas ang mga taon,

Ngunit naiwan ang babala;

May panawagang muling dumating,

May pagsubok na nagsimula.

Noong labingwalong walumpu't walo,

May batas na ipangilin ang Linggo;

Di man naipasa, nag-iwan ng tanda

Na ito ay muling babalik.

{Koro}

Masda’t unawain ang tanda,

Saliksikin ang Biblia;

Subukin bawat tinig at aral

Sa sinabi ng Panginoon.

Mga kaharian ay lilipas,

Ngunit Salita Niya'y tiyak;

Panghawakan ang pananalig,

At itanghal ang Pangalan Niya.

{Taludtod 3}

Si Leo'y nagsalita noon

Ng mga bagong bagay raw;

Sa gitna ng hirap at pagod,

May panawagan sa paggawa.

Araw ng pahinga'y muling hinimok

Para sa tao at tahanan;

Ngunit tanong pa rin ng hula:

Kaninong utos tayo'y sasandig?

{Taludtod 4}

May isang ang pangalan ay Leo rin,

Na nagbabalik ng nakaraan;

Kabutihang panlahat at humanidad

Ay narinig noon at ngayon muli.

Kapayapaa’t pagkakaisa,

Na may gabay ng teknolohiya;

Ngunit ang mga tapat na bantay

Ay naaaninaw ang tanda.

{Koro}

Masda’t unawain ang tanda,

Saliksikin ang Biblia;

Subukin bawat tinig at aral

Sa sinabi ng Panginoon.

Mga kaharian ay lilipas,

Ngunit Salita Niya'y tiyak;

Panghawakan ang pananalig,

At itanghal ang Pangalan Niya.

{Tulay}

Ibinigay ang Sabbath sa Eden,

Nang wala pang piniling bayan;

Pinabanal at binasbasan ito

Ng Panginoong Lumalang.

Walang konseho, trono, o tao

Na maaaring magbago nito;

Ang banal Niyang kautusan pa rin

Ang gabay ng mga banal.

{Taludtod 5}

Gaya ng pagkubkob ng Roma noon,

Na bumalik upang wasakin;

Darating sa mundo ang babala

Bago sumiklab ang huling alitan.

Ang isyu'y hindi lamang pahinga,

Ni politika o pakinabang;

Kundi pagpili sa sasambahin

Pag konsensya'y pinipilit.

{Huling Tulay}

Ang unang pagsalakay ay may awa,

Sa pangalawa'y bumagsak ang Jerusalem;

Kaya ang hula'y nagsabi

Ng pagsubok na darating.

Ang mga tapat ay nakatakas,

Dahil sinunod nila si Kristo;

Ang mga tapat ay susunod rin,

At tatayo sa katotohanan.

{Huling Koro}

Masda’t unawain ang tanda,

Tumingala—ang Hari’y darating;

Matakot at luwalhatiin ang Diyos,

Oras ng paghuhusga na.

Lumabas sa Babilonia, bayan Ko,

Huwag magpadaya sa kanya;

Sundan ang landas ng Kordero,

At Kanyang tipan ay ingatan.

{Wakas}

Malapit nang mahawi ang ulap,

At trumpeta'y maririnig;

Mga kaharian ay lilipas,

At si Kristo’y maghahari magpakailanman.

Masda’t unawain ang tanda,

Habang si Kristo’y nasa Templo pa;

Si Jesus ay tumatawag ngayon—

Makinig, magtapat, at sumunod.

#tagaloghymns #presenttruth #prophecy #danielandRevelation #JesusSaves #everyone #watchandunderstandthesign #matthew24 #masdatunawainangtanda #zeresvitto

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

Three Angels Hymn & PraiseBy Zeres Vitto