Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at Ilocano

Misteryo sa Disyerto Abdul Qadir Jilani - Tagalog


Listen Later

Inspirational account about Muslim saint Abdul Qadir Jilani in Tagalog.

EXCERPT:

Labing walong taong gulang na si Abdul at siya’y handa nang pumunta sa siyudad ng Baghdad upang magpatuloy ng kanyang pag-aaral tungkol sa mga matataas na karunongan. Ipinaalam niya sa kanyang ina ang kanyang pakay, na siya’y lalayo upang magpatuloy siyang mag-aral. Natuwa naman ang kanyang mahal na ina sa sigasig ng kanyang anak na matuto. Malaki ang kanyang pasasalamat sa nakita niyang pagsusumikap ni Abdul na magkaroon ng marangal na kaalaman at kaisipan.

Sa mga panahong iyon, kinakailangang na kung maglakbay ang mga tao na papunta sa ibang lugar, ay maglalakad sila sa disyerto. Maliban lamang kung mayroon silang mga alaga at pag-aaring mga hayup na panlakbay gaya ng kamelyo o kabayo. Marami noong mga daang papasok sa loob ng kagubatan sa disyerto na madadaanan ng mga naglalakbay at malimit noon na mayroong nakakasalubong ang mga tao na panganib.

Gayunman, ibinigay ng ina ni Abdul ang kanyang bendisyon sa kanyang anak. At nagbilin siya. “Mahal kong anak, ako’y matanda na at marahil na itong iyong paglisan ay ito na rin ang huli kong pagkakakita sa iyo. Ibinibigay ko sa iyo ang aking malugod na pahintulot at ang aking bendisyon na palaging aantabay sa iyo. Ipagdadasal ko sa Dakilang Maykapal na pagkalooban ka ng pananagumpay. Pagpalain ka ng Diyos, mahal kong anak!”

“Ang inyong ama, pagpalain sana ang kanyang kaluluwa, ay nag-iwan sa akin noong siya’y namatay, ng WALUMPONG (80) dinar bilang pamana niya sa atin. Kinuha ko dito ang APAT NA PONG DINAR na ibigay ko sa iyo at ang kalahati ay ibibigay ko kay Sayyid na iyong kapatid,” ipinagpatuloy na sinabi ng ina. At sa gayun, itinahi ng ina iyong APATNAPUNG DINAR sa isang sulok ng damit ni Abdul upang hindi niya ito kailangan bibit-bitin. Noong nagpa-alam na si Abdul, nagbilin ang kanyang ina. “Mahal kong anak, tanggapin mo ang aking habilin at alalain mo lagi ito. Manatili kang tapat at magsasabi ng katotohanan. Ang pakiusap ko lamang ay ang hindi ka kahit kailan magsasalita ng kasinungalingan.”

“Mahal na, ina” sumagot si Abdul, “Ipinapangako ko na lagi kong iisipin at susundin ang inyong habilin,” ang sabi niya.

Sumabay si Abdul sa isang karaban ng mga maglalakbay sa disyerto. Noong nakarating sila sa lagpas na bahagi ng siyudan ng Hamdaan, pumasok sila sa isang masukal na bahagi ng disyerto. Sinalubong sila ng grupo ng ANIM NA PUNG (60) bandido. Ang grupong ito ng mga bandido ay pinamumunoan ng isang kinakatakutan na nilalang – si Ahmad Badawi.

Walang nagawa ang konboy ng mga karaban na pang-tanggol sa kanilang mga dala-dala. Inagaw ng mga mandarambong na mga bandido lahat ng mga mamahalin nilang mga kargamento at mga dala-dala na may halaga. Pagkatapos nilang sam-samin lahat-lahat ng mga kargamentong mahalaga ng karaban, nagtipun-tipon ang mga bandido at naghati-hati sila ng kanilang mga nasam-sam..

CONTINUE ON. Listen to the PODCAST for the full story.

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at IlocanoBy Norma Hennessy