Kumusta? Ngayon ay titingnan natin ang isang nakakatok na kasong nangyari sa Sweden.
Si Wilma Andersson, ay isang 17 years old, na nakatira sa Uddevalla, Sweden. Inilarawan siya ng kanyang inang si Linda, bilang maganda, puno ng buhay, at may malaking pangarap sa hinaharap. Mahilig makihalobilo, at madalas na ginugugul ang libreng oras, kasama ang kanyang mga kaybigan. Panaka-naka siyang nag poposts ng mga larawan sa kanyang facebook. Marunong siyang humanap ng magandang anggulo, at gustong-gustong kinukunan siya ng larawan. Isa siyang napaka sigla, at malikhaing dalaga.
Noong 15 años si Wilma, ng nakilala niya ang isang lalaking nagngangalang Tishko Ahmed Shabaz. Mas matanda ito sa kanya ng limang taon. Pero hindi naging hadlang ang edad sa dalawa. Dahil ang edad na pinapayagan para sa ganitong uri ng relasyon sa Sweden, at sa buong Europa, ay nag-iiba sa pagitan ng 15 hanggang 18 años. Si Tishko ay mula sa Iraq. Pero walong taong gulang siya, ng lumipat siya kasama ang kanyang ama sa Sweden, para sa permanenteng paninirahan. Nakatira siya kasama ang kanyang ama at madrasta sa Uddevalla. Nag-aral siya sa isang paaralan, kung saan ayon sa kanyang kaibigan, pinagkakaisahan at ininsulto si Tishko. Pero habang nagkakaedad, naging mas matapang, at palaban na si Tishko. Ang pagiging matigas niya ang dahilan, kaya hindi na siya natatalo. At naging isang taong hindi umaatras sa anuman bagay. Nang magtapos si Tishko sa pag-aaral, nakakuha siya ng trabaho sa sektor ng pangangalaga ng bata. Kalaunan noong 2014, nakatanggap siya ng Swedish citizenship.
Tungkol naman kay Wilma, nakatira siya kasama ang kanyang kapatid na si Emily. Hiwalay na ang kanilang mga magulang na sina Linda at Marcus. May mga usap-usapang may mga problema ang pamilya, na humantong sa hindi pwedeng tumira sina Wilma sa tatay nila. At ayaw din naman ng nanay nilang si Linda, na makasama sa kanyang dalawang anak. Kaya't tumirang magkasama ang magkapatid, na hiwalay sa kanilang mga magulang.