Sign up to save your podcasts
Or

Inspirational tales and fables in Tagalog.
EXCERPT:
1. TESTAMENTO NG AGUILA - Noong unang panahon, may isang marangal na agila ang nabuhay na nag-iisa sa tuktok ng isang napakataas na bundok. Isang araw, nagparamdam sa kanya na ang oras ng pagkamatay niya ay malapit na. Sa dumadagundong na huni na kanyang pinalabas, tinawag niya ang kanyang mga anak na naninirahan sa mas mababang bahagi ng bundok at tinipon niya silang lahat. Tinitigan niya ang bawat isa sa kanila at siya’y nagsalita:
“Inaruga at pinalaki ko kayo upang haharap kayo kapag pagmasdan ninyo ang poong Araw. Ang inyong mga kapatid na hindi nakakaya sa mukha ng araw ay pinayagan kong pumanaw. Dahil dito, naging kapalaran ninyo ang lumipad ng mas mataas sa alin pa mang may pakpak. Sinuman na maghangad na mabuhay ay hindi magla-lakas loob na papasok sa inyong mga pugad. Lahat ng mga hayup ay takot sa inyo at hindi ninyo nararapat saktan ang gumagalang sa inyo. Pababayaan ninyo silang makibahagi sa mga natira sa mga na-huli ninyong pagkain ninyo.”
“Ngayon, malapit ko na kayong lisanin. Subalit hindi ako papanaw dito sa pugad ko. Lilipad ako ng mataas, sa kaitaas-taasang bahagi ng kalangitan na makakayanan ng aking mga pakpak. Yayao akong dudulog kay Poong Araw upang magpa-alam. Susunugin ng kanyang malupit na sinag ang mga matatanda nang balahibo ko. Babagsak ako dito sa lupa at magtatapos ako sa tubigan.”
“Subalit, ang mahiwagang mangyayari, ay babangon akong muli mula sa tubig, na isang napabago at nakahandang mabubuhay muli ng bagong buhay. Ganyan ang kapalaran ng agila. Iyan ang tadhanang ukol sa atin.”
At pagkatapos niyang sabihin ito, marangal siyang lumipad na umikot sa bundok na tinayuan ng kanyang mga anak. Sa isang kisap mata, siya’y lumiko at pumaitaas papunta kay poong Araw na siyang sumunog sa kanyang mga pagod at matatanda nang mga pakpak. (Galing ang kuwentong ito kay Leonardo da Vinci at kasali ito sa koleksiyon ng kanyang mga sinulat na nasa librong “Mga Kuwaderno ni Leonardo” o Leonardo’s notebooks.)
CONTINUE ON (LISTEN TO PODCAST FOR THE REST OF THE NARRATIVE)
By Norma HennessyInspirational tales and fables in Tagalog.