Sign up to save your podcasts
Or

Additional inspirational tales and fables in Tagalog
EXCERPT:
ANG NAKABALANDRANG BATO AT GINTO - Isang hari sa isang malaking kaharian ang nagpasyang magsagawa ng eksperimento. Ito ay para subukin niya ang mga katangian at pag-uugali ng kanyang mga tao. Inutosan niya ang kanyang mga tagapag-lingkod na maglagay sila ng isang malaking bato at ihadlang nila ito sa kalsada na papuntang bayan. Pagkatapos, pumunta ang hari sa lugar at nagtago sa may malapit sa bato na nakahadlang sa daan para kanyang obserbahan at tiktikan ang mga magiging reaksiyon ng mga dumadaan. Unang dumaan ang mga naglalako ng mga paninda. Dahil sa dami ng kanilang mga dala-dala, iniwasan nila ang bato at dumaan sila sa tagiliran nito habang bubulong-bulong sila sa pagkainis nila sa hari dahil ni hindi niya mapa-ayos ang daan.
Sumunod na dumaan ang isang trabahador na may mababang loob. Pauwi na ito at pagod na pagod sa kanyang trabaho. Subalit may hawak-hawak siyang supot na may lamang pagkain na siyang pinag-laanan niya ng kanyang kinita sa araw na iyon. Pagkain iyon para sa kanyang pamilya. Sa paglapit niya sa bato, ibinaba niya ang dala-dala niya at sinubukan niyang itulak na pagulongin ang bato papuntang gilid ng daan. Malaki at mabigat ang bato, pero pinagtiyagaan niyang ipinatabi ito para mabuksan ang daanan. Pawis-na pawis siyang nangpagulong sa bato hanggang sa natanto niya na hindi na ito makakaabala at makakanganib sa mga dadaan.
Pinulot niya ang kanyang ibinabang supot para dali-dali na siyang umuwi palibhasay naantala na siya at palapit na ang takipsilim. Pagyuko niya para pulutin ang supot niya, may nakita siyang supot sa gitna ng daan kung saan galing ang malaking bato. Noong binuksan niya ito, nakita niya ang limpak-limpak na platang ginto. May naka-tiklop na kasamang sulat. Binasa niya ito. Ang mensahe ay galing sa hari at nagbilin ito na ang supot na iyon ay gantimpala ng sinuman na mag-abalang mang-alis at magpasantabi sa batong nakahalang sa daan. Alam ng hari na ang pagpapasantabi sa bato ay nangangailangan ng lakas, tibay at kagandahang loob sa sinumang gagawa nito.
CONTINUE ON (LISTEN TO PODCAST FOR THE REST OF THE NARRATIVE)
By Norma HennessyAdditional inspirational tales and fables in Tagalog