Sign up to save your podcasts
Or
Ang kasong ito ay naganap sa USA, noong March 17, 2021. Si Nafiah Ikram ay isang 21 years old na babaeng nakatira sa Long Island. Isa siyang estudyante sa Hofstra University, at nag-aaral ng medisina. Nagtatrabaho din siya, bilang pharmacy technician. At noong March 17, pagkatapos ng mahabang shift sa trabaho, sabay na silang umuwi ng kanyang ina. Pagdating ng bahay, nauna ng pumasok ang nanay niya sa loob bandang 7 40 PM. Nagpaiwan pa si Nafia, para kunin ang mga pagkaing pinamili nila, sa likurang upuan ng sasakyan. Habang ginagawa ito, napansin niya ang isang lalaking nakatayo sa dilim na naka hood. Parang kinilabutan si Nafia sa lalaking ito. Kaya nagmamadali na niyang kinuha ang mga pagkain at naglakad papasok ng bahay. Pero biglang tumakbo patungo sa kanya ang lalaki, at narinig niyang papalapit na ito sa kanya.
Ang footage na ito mula sa bahay ng kapitbahay nila Nafiah, ay nakuhanan ang eksaktong sandali, na tumakbo ang lalaki sa kanyang bakuran. At sinabuyan ng itim na likido ang mukha ni Nafia. Ayon kay Nafiah, nakasuot ng gwantes ang lalaki, ng sabuyan siya nito ng likido. Napasigaw si Nafiah, kaya’t may ilang likido na pumasok sa kanyang bibig, pababa sa kanyang lalamunan. Agad na tumakbo ang lalaki, pabalik sa kanyang pinanggalingang direksyon. Sumakay sa kotse, at mabilis na umalis. Noong una, nalilito lang si Nafiah. Pero ilang sandali pagkatapos tapunan ng likido ang kanyang mukha, nagsimula siyang makaramdam ng nasusunog na sensasyon. Ang likidong ginamit ng lalaking ito, ay asido. Tumakbo si Nafiah papasok ng bahay, sa sobrang sakit. Ng napagtanto ng kanyang ina ang nangyari, agad niyang iginiya si Nafia sa banyo at pinapasok siya sa bathtub. Saka agad na binuhusan niya at ng ama ni Nafiah, ng malamig na tubig ang mga paso ng kanilang anak.