Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at Ilocano

Pamana ni Abraham Lincoln - Tagalog


Listen Later

Inspirational narrative about the life and historical contribution of Abraham Lincoln in Tagalog.

EXCERPT:

"... Si Abraham Lincoln ay kilala sa pangalan na “Honest Abe” (Matuwid na Abe). Kilala si Abraham na isa sa mga pinakadakilang bayani sa Estados Unidos. Siya ang nagpa-tupad sa mga batas na nang-puksa at nang-paalis sa pam-bubusabos at pang-a-alipin na noon ay karaniwang nangyayari sa Amerika. Sa mga panahong iyon, noong panglabing siyam na siglo, karaniwan noon na bumibili ang mga mayayaman na mga Amerikano ng mga tao na galing sa Aprika at iba-ibang bahagi ng daigdig, upang gawin nila ang mga ito na mga alipin na trabahador sa kanilang malalawak na mga lupain at ari-arian. Malupit ang pagkaka-trato ng mga alipin. Animo silang mga hayup na nagta-trabaho at napaparusahan sa latigo, hinahamak at minumura. Wala silang mga karapatan at sila ay ina-ari ng kanilang mga amo o master na parang mga hayup at kasangkapang pan-silbi.

Sa panahon noon na si Abraham Lincoln ang siyang nanungkulang presidente ng Estados Unidos, nagproklama ito ng batas na Emansipasyon (Emancipation Proclamation) noong Enero ng MIL OTSO SIYENTOS ANIM NA PU’T TATLO (1863).

Sa mga panahong iyon, may hidwaan noon ang gobyerno ng Estados Unidos sa isang panig at sa kabilang panig ay binubuo ng labing isang estado sa Amerika na nambuo ng lupon na konpederasyon. Ito ang mga estado ng: Texas, Arkansas, Louisiana, Tennesse, Mississippi, Alabama, Georgia, Florida, South Carolina, North Carolina at Virginia.

Ang mga estado sa konpederasyon ay umaasa noon silang lahat sa mga alipin na magtrabaho sa kanilang mga lupain, para sa agrikultura at pag ani ng bulak at koton, tabako at iba pang mga produkto ng pagsasaka at industriyang pan-lupa.

Ito noon ang ikinayayaman ng mga tao sa mga estado na nag-miyembro ng konpederasyon. Kapag mawalan sila ng mga alipin na trabahador, hindi nila makakayanang saka-in at gamitin sa kalakal ang kanilang mga lupain at ito ang magiging sanhi ng pagbagsak ng ekonomiya ng mga ito. Kung kaya, tinanggihan nila ang pagkakaalis ng pangangalipin na igagawang batas noon ng pederal na gobyerno ng Estados Unidos."

CONTINUE. LISTEN TO PODCAST FOR THE FULL EPISODE.

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at IlocanoBy Norma Hennessy