
Sign up to save your podcasts
Or


Sa episode na ito, pinag-usapan natin ang mga bagay may kinalaman sa pag-akyat sa mga bundok kasama ang ating guest na isang seasoned mountaineer. Binigyan tayo ng ating guest ng mga ideya, at mga payo kung nais nating magsimula sa hobby na ito. Nagbigay rin siya ng pangalan ng mga bundok na pwedeng akyatin ng mga beginner. Kung interesado kayo sa pag-akyat ng bundok, pakinggan ninyo ang episode na ito.
Business ideas, kwentong barbero, cycling, teacher tiktoker, pagmamagic at kung ano-anong random na mga paksa ang pinag-usapan namin sa episode na ito. Kumpleto rin kaming tatlo! Iba ka sir!
Sa episode na ito, hindi lang tungkol sa multo ang mga pinag-usapan namin. Tinalakay rin namin kung paano nag-evolve ang mga TV programs na karaniwang nagtatampok ng mga Halloween Specials. Mula kay Ed Caluag, hanggang sa mga true crime series, pati na rin ang after life, napag-usapan sa episode na ito.
Sa episode na ito may guest tayo na graduate ng law school. Ikinuwento niya sa atin ano ang mga naging karanasan niya habang kinukuha ang kurso na ito at kung ano ang mga kinaharap niyang mga pagsubok. Kung gusto mong mag-Law, pakinggan mo 'tong episode na ito.
Anong nauna, orange na prutas o orange na kulay? Time travelling? Anong gagawin kung malaman mong may isang oras ka na lang para mabuhay? Ilan lang iyan sa mga tanong na sinagot namin sa episode na ito. Pakinggan para malaman ang mga sagot namin. :)
Nag-react kami sa mga meme na sinend ng ating mga ka-Random. Tapos from meme to kanta sa libing real quick. Sa dulo ng episode, puro tawa na lang ang maririnig ninyo dahil may isa tayong ka-Random na nagpasakit ng ulo namin sa mga comment niya. Pakinggan ninyo!
Sa episode na ito, inalala namin nang bahagya ang mga alaala namin sa mga lumang selpon noon. Pero siyempre, ang main event ay ang aming guest na isang cosplayer. Marami kaming natutuhan tungkol sa pagko-cosplay. Malalaman niyo rin sa episode na ito kung anong gusto naming i-cosplay kung mabibigyan kami ng pagkakataon. Masaya ang episode na ito! Tara kwentuhan tayo!
Sa gabing ito, nagbalik ang ating sadboi #1. At pagkatapos ng aming usapan, naging unsadboi na siya. Pakinggan ang episode na ito kung paano namin naalis ang kalungkutan niya. ;)
Sa episode na ito, pinag-usapan namin ang mga bagay may kinalaman sa pagsusulat ng kanta. Inusisa rin namin kung paano ba ang kalakaran sa industriya ng song writing. Napag-usapan din namin kung paano nga ba nagiging hit song ang isang hit song. At nagbigay sa atin ng words of wisdom ang ating guest para sa mga nagnanais na magsimula sa pagsulat ng kanta.
Sa episode na 'to, may guest tayong stand-up comedian. Ibinahagi niya sa atin ang naging karanasan niya nang makasama niya si Jo Koy. Nagbigay rin siya ng ilang mga idea kung ano ba ang buhay ng isang stand-up comedian. Iyan at marami pang ibang topic may kinalaman sa pagiging komedyante ang pinag-usapan namin. Tara samahan niyo kami!
From the publisher's feed