Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at Ilocano

Si Admiral Yi Sun Sin ng Korea Part 1 (3) Tagalog


Listen Later

Biographical account about Korea’s great naval hero - Admiral Yi Sun Sin in Tagalog. This is first of three parts.

EXCERPT:

Wala sigurong maraming mga admiral o mga tao na nanungkulan sa opisyo ng otoridad na nakasugpo sa napakalakas at napakabangis na armada na may daan-daang barko ng kalaban samantalang ang kanyang hawak lamang noon ay mangilan-ilang barko lamang – at bumilang ng hanggang tatlumpo’t tatlo lamang.

Nakakagulat ang abilidad ng sinuman na makakagawa nang ganyan. At kung matalino man ang sinumang gagawa niyan, nabubukod-tangi rin ang kanyang katapangan upang maisagawa niya ang lumaban. Pero sa totoo lang, mayroong ganyang tao noon na nabuhay. Isang may kakatwang kapabilidad at katangian na namuno ng armada ng nasyon ng Korea. Siya si Admiral Yi Sun Sin. At siya ang pinakadakilang namuno ng armada ng buong Korea sa buong kasaysayan ng bansang ito.

Ang Korea ay nasa pangagasiwa at pamumuno noon ng Lahing Choson o Dinastiya ng Joson. Itong pamumuno ng Lahing Choson ay naumpisahan noong itinayo ito ni Yi Seong-gye noong Hulyo ng MIL TRES SIYENTOS SIYAM NA PU’T DALAWA (1392). Ang lahing ito ay siyang namuno at nangasiwa sa Korea ng limang siglo o limang daang taon.

Nabuhay si Yi noong ikalabing limang siglo o MIL SINGKO SIYENTOS (1500) at magpahangga ngayon wala pa rin ni isang taong lumagpas sa kanyang mga nakayanang naisagawa.

Naipanganak si Yi Sun Sin noong ika DALAWAMPU’T WALO (28) ng Abril MIL SINGKO SIYENTOS APAT NA PU’T LIMA (1545) sa Euljiro-Dong, Hanseong sa Joseon, Korea. Mapaglarong bata ito noon bagaman mula pagkabata, na-aninaw na ang pagkakaroon niya ng mahusay na katangiang mamuno. Noong MIL SINGKO SIYENTOS PITUMPO’T ANIM (1576), kumuha ng pag-susulit si Yi upang makapasok siya sa serbisyo militar. Naipadala siya sa Bukbyeong – na hilagang pronta ng linya militar sa probinsiya ng Hamgyeong.

CONTINUE TO PODCAST FOR THE FULL EPISODE OF PART 1 (of 3 parts).

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at IlocanoBy Norma Hennessy