Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at Ilocano

Si Admiral Yi Sun Sin ng Korea Part 2 (3) Tagalog


Listen Later

Narrative account about Korea’s hero and world great - Admiral Yi Sun Sin in Tagalog. This is the second of 3 parts.

EXCERPT:

"...SUMUNOD ang labanan sa SACHEON. Nangyari ito noong IKA-WALO ng HULYO, MIL SINGKO SIYENTOS SIYAM NA PU’T DALAWA (1592) sa kalendaryong Gregoriano o IKA DALAWAMPU’T SIYAM ng Mayo sa kalendaryong Lunar.

Ang siyudad ng SACHEON ay siyudad sa probinsiya ng bandang Timog na bahagi ng GYEONGSANG. Nakatanggap si Yi ng balita mula kay WON GYUN na nagsasabi na naroroon na ang mga Hapon sa siyudad ng SACHEON at sa paligid nito. Nag-alala si YI at baka lusubin ng mga Hapon ang siyudad ng YEOSU sa probinsiya ng Timog ng JEOLLA. Naglayag si YI na kasama ang DALAWAMPU’T WALONG bapor na pandigmaan at nakipagtagpo siya kay WON GYUN sa Noryang, na lugar sa probinsiya ng GYEONGSANG o KYONGSANG-NAMDO.

Binilin ni YI si WON GYUN na tipunin niya ang mga mandirigma na natitira o mga naihiwalay sa mga kasama nila pagkaraan ng digmaan. Pagkatapos nito, tumuloy sila sa SACHEON.

Pinag-aralan ni YI ang nasabing lugar. May malaking talampas na nakausling nakatuon sa siyudad at nakita niya na marami ang mga sundalong Hapon na naroroon.

Labindalawa ang malalaking barkong pandirigma ang nasa puerto. Marami pa ang nakasunod na mas maliliit na bapor. Alam ni Yi na hindi maaring sumalakay dahil maaring patuonan sila ng mga hapon ng kanilang mga sandatang arquebus mula sa talampas. Ginusto niyang maisaganap ang bakbakan sa gitna ng dagat upang sa ganuon ay mayroon siyang espasyong mapagmani-obrahan. At upang ma-akit niya ang mga Hapon na pumunta sa gitna ng dagat, pinag-atras niya ang kanyang mga bapor. Subalit sa mga sandaling iyon, wala siyang kamalay-malay na nag-o-obserba na sa kanilang mga galaw ang komander ng mga Hapon. Nagbilin ang Komander ng mga Hapon sa mag kapitan ng mga barko nila na kuhanin nila ang bahagi ng armada nila na nasa Sacheon.

At noong nakitang umatras ang mga bapor na Koreano, binilin ng komander ng Hapon na salakayin nila ang mga Koreano.

Kumagat ang mga Hapon sa patibong ni Yi sa kanila. Ito ang kauna-unahang labanan ng armada ni Yi na ginamit niya ang kanyang mga bapor na Geobukson o ‘Kobukson.’ Ang bapor na ito ay tinatagurian ding ‘turtle ship’ o ‘bapor na pagong.’"

CONTINUE TO PODCAST FOR THE FULL PART 2 EPISODE. (2nd of 3 parts)

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at IlocanoBy Norma Hennessy