Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at Ilocano

Si Admiral Yi Sun Sin ng Korea Part 3 (3) Tagalog


Listen Later

Biographical narrative about Korea’s hero Admiral Yi Sun Sin in Tagalog. This is third of three parts.

EXCERPT:

"...Si WON GYUN ang ipinalit ni Haring SEONJO kay Yi na humawak ng armada. Noong naibigay kay Won Gyun ang otoridad, alam din niya noon na ang impormasyon na ibinigay ng espiya ay kasinungalingan subalit patuloy na naniwala dito ang korte ng Hari ng Korea. Inutosan nila si Won Gyun na salakayin niya ang mga Hapon sa lugar na UNGCHON. Walang mga sandata noon ang mga hapon dahil kumpiyansa sila sa kasunduang namagitan kay Haring SEONJO at ang mga Hapon na napahinto ang digmaan.

Natalo ang mga Hapon subalit nawalan si Won ng isang bapor na pandigmaan. Nawaln din niya ang kapitan nito. Nakatanggap ng sulat na protesta si Won mula sa komander ng Hapon tungkol sa kanilang pananalakay. Subalit nakatanggap na namn din siya ng utos mula sa opisyal sa itaas niya, ang ‘Field Marshall’ o ‘DO-WONSU’ na si Gwon Yul. (Bilang Field Marshall, siya ang pinakamataas ang ranggo sa lahat ng komander sa militar ng buong Korea). Iniutos niya kay Won ang bilin ng hari na lulusob sila sa BUSAN. Nag-atubili noon si Won subalit ang utos ay galing na noon sa Hari kung kaya, sapilitan siyang sumunod sa kautusan. Sa bandang huli, kasama niya si Komander Yi EOK GI na nagpunta sa Busan.

Noong una, nagkunya-kunyaring umatras ang mga Hapon bilang patibong. Sa katotohanan ay handang-handa na sa puesto at pormasyon ang mga Hapon na mangwasak sa armada ng mga Koreano bago nila isagawa ang pag-okupa sa buong Korea. Napakarami ang mga bapor ng mga Hapon na pinamunuan ni TODO TAKATORA. Alam na noon ni Won na wala silang kalaban-laban dito subalit wala silang nagawa kundi sundin ang bilin ng hari na humarap sa siyerto na nilang pagkakasugpo.

Nangyari itong kapus-palad na pagkakapasubo ng armada ng Koreano sa LABANAN SA CHILCHEONRYANG noong ika- DALAWAMPU’T PITO hanggang DALAWAMPU’T WALO ng Agosto MIL SINGKO SIYENTOS SIYAM NA PU’T PITO (1597). Nawasak nang husto ang armadang JOSEON ng mga Koreano. Bumilang noon ng LIMANG DAAN hanggang ISANG LIBU ang mga bapor ng hapon at mga ISANG DAAN AT APATNAPONG LIBONG mandirigma ang iniharap ng puwersang Hapon."

CONTINUE TO PODCAST FOR THE FULL PART 3 (of 3 parts) EPISODE.

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at IlocanoBy Norma Hennessy