Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at Ilocano

Si Albert Einstein - Dakilang Pisiko 1(3) Tagalog


Listen Later

Historical biographical narrative about Albert Einstein in Tagalog (Philippine language). This story is told in three parts. This first part introduces and explains the more popularly known concepts attributed to his genius.

EXCERPTS:

"...“TAO NG SIGLO” (MAN OF THE CENTURY) – ito ang ipinang-taguri sa kanya ng internasyonal na lathalain na TIME sa kopya nito na petsa TRENTA’Y UNO (31) ng Disyembre MIL NUEBE SIYENTOS NUBENTA’Y NUEBE (1999). Naisulat din na dagdag sa titulo ang sumunod: “Mula MIL OTSO SIENTOS SITENTA’Y NUEBE (1879) hanggang MIL NUEBE SIYENTOS SINGKUWENTA’Y SINGKO (1955)- Siya ang siyentipiko na nabubukod-tangi ang kanyang pagkadakila sa siglo na dinominahan ng siyensa. Sa mga panunukatan sa panahong ito – ang Bomba, ang Dakilang Pagsabog (Big Bang), Kwantum na Pisika at Elektronik- lahat ng mga ito ay nagtataglay ng kanyang imprenta.”

Isa sa mga pinakamata-talino at pinakadakilang matematiko at pisiko sa kasaysayan ng mundo si Einstein. Karaniwan, na kung mabigkas ang kanyang pangalan sa kasalukuyang panahon, ito’y may sarili nang katuturang diwa – ang pagka-henyo. Natatanging kinikilala si Einstein sa teyoriya na kanyang nilikha tungkol sa RELATIBIDAD o relativity."

"...Itong henyong ito ay ipinanganak noong ika KATORSE ng MARSO MIL OTSO SIYENTOS SETENTA’Y NUEBE (1879) sa Alemanya. Noong batang musmos pa ito, siya’y makupad na matuto. Hindi siya nakapag-aral na magsalita hanggang sa siya ay dalawang taong gulang na. “Nag-a-alala na noon ang aking mga magulang,” sabi ni Einstein sa isang pakipanayam sa kanya pagkalipas ng maraming taon. “Nagkonsulta na nga rin pati sila noon sa mga manggagamot,” dagdag niya.

Inakala ng kanyang mga magulang na mayroon siyang diperensiya noon kung kaya’t dinala siya sa doktor. Noong ineksamen siya ng doktor, sinabi nito na mas malaki ang utak niya kaysa karaniwan. Kahit naporma niya na noon ang salita sa kanyang isip, hindi pa rin niya noon masabi kaagad ito. Ang mga naunang salita na lumabas sa kanyang bibig ay: “Masyadong mainit ang sabaw!”

Kahit noong siya’y nakapagsimula nang magsalita, mayroon siyang naging kakatwang gawi na siyang naging dahilan na pinangalanan siya ng isa sa kanilang mga taga-alaga ng ‘der Depperte,” o sa tagalog, ‘makupad na paslit.’ Kapag mayroon siya noong gustong sabihin, ibinubulong niya muna ito sa kanyang sarili bago niya sasabihin sa mas malakas na boses. Sinabi rin ng kanyang kapatid na: ‘Nahirapan siyang magsalita noon at nag-alala kami na baka hindi siya matu-tutong magsalita ng diretso.’

Mabagal ang kanyang pag-progreso noong siya’y maliit pa bagaman mayroon na rin siyang kapilyohan at malimit siyang manloko sa paaralan. Subalit kahit noong siya’y bata pa na mabagal ang kanyang pag-progresong magsalita ng diretso, masidhi na siyang nag-o-obserba sa kanyang paligid. Pinag-iisipan niya ng malalim ang mga pangkaraniwang bagay sa kapaligiran. Sa mga sumunod na dekada noong nakapanayam siya tungkol sa asta niyang ito, nagpaliwanag siya: “Kung tatanungin ko ang sarili ko kung paano ko natuklasan ang teyoria ng relatibidad, naramdaman ko ang pinagsimulang dahilan. Hindi sadyang gawi ng isang matanda o nagka-edadna na pag-isipan ang mga kakatwang bagay na hindi maintindihan tungkol sa kalawakan at panahon. Dahil ang mga ito ay inisip at pinag-kamanghaan niya na noong siya ay bata pa. Subalit, masyadong mabagal noon ang aking pag-laki at pagprogreso at nakapagsimula na lamang akong mamangha tungkol sa kalawakan at panahon noong ako’y magbinata na. Ang kinalabasan niyan, naging mas masidhi ang aking pag-saliksik sa bagay na iyan kaysa gawi ng isang batang paslit...”"

PLEASE LISTEN TO THE PODCAST FOR THE FULL AND COMPLETE EPISODE.

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at IlocanoBy Norma Hennessy