Sign up to save your podcasts
Or

Historical biographical account about Albert Einstein in three parts. The narratives are in two separate versions of Philippine languages: Tagalog and Ilocano. This is the THIRD of the three parts of the TAGALOG version.
EXCERPT:
"...Mula MIL NUEBE SIYENTOS BEYNTE NUEBE (1929) hanggang MIL NUEBE SIYENTOS TRENTA’Y DOS (1932), gustong gusto noon ni Albert ang pumupuntang manirahan sa isang maliit at matahimik na pook na nagngangalang CAPUTH (‘KA-PUT’) sa malapit sa BRANDENBURG sa Alemanya.
Nagpatayo siya doon ng kanyang tirahan na kanyang pinupuntahan kada panahon ng tag-init. Matatagpuan ito sa pagitan ng dalawang bay o lawa at napalibutan ng napakagandang kakahuyan. Gustong-gusto niya noon ang pumupuntang nag-lalayag sa kanyang maliit na bapor na panlayag. Iniregalo ito sa kanya ng isa niyang mayamang kaibigan sa kanyang pan-LIMAMPUNG (50) TAONG kaarawan. May naka- ukit na pangalan ng bapor na “Tummler” subalit pinangalanan ito ni Albert ng sarili niyang palayaw – “makapal na bapor na panlayag”. Gustong-gusto niya noon ang lumarga ng sarili niya habang siya’y nasa Caputh (KA-PUT). Ni hindi naging sagabal sa kanya na hindi siya marunong lumangoy.
Itong mga sandaling nagso-solo siyang naglalayag ang siyang mga panahon na - napag-iisipan niya ng malalim ang tungkol sa kanyang mga teyoria kung kaya, lagi-lagi noon na may nakahandang papel at lapis para sa kanya doon.
Noong tag-init ng MIL NUEBE SIYENTOS A-TREYNTA (1930), habang siya’y naglalayag sa Caputh (‘KA-PUT’), sumulat siya ng KREDO. Isinulat niya ito para sa mga lupon na nag-a-adbokasya sa mga karapatan ng buong katauhan. Pagkatapos nito, ipinalathala niya ang kanyang sinulat. Napamagatan ito ng “ANO ANG PANINIWALA KO” (What I Believe).
Sinabi ni Einstein:
“Ang pinakamagandang damdamin na ating mararanasan ay iyang bagay na misteryoso. Iyan ang pundamental na emosyon na nakasaad sa pinagsimulan ng lahat na totoong letras at siyensa. Sa tao na estranghero sa kanya ang ganitong damdamin, sa tao na hindi na namamangha at hindi na nagnanais na mamangha ay para nang isang patay, para nang naihipang kandila. Upang damain na sa likud ng anumang maranasan ay may bagay na di-maabot na intindihin ng ating kaisipan, bagay na ang kanyang dalisay at kagandahan ay napaparating lamang sa atin ng pansamantala, iyan ang pagka-relihiyoso. Sa ganyang katuturan, ako’y isang masugid na relihiyosong tao.”
Lagi-lagi noong nagpapaliwanag na hindi ito ateista. Sinabi niya sa isa niyang kaibigan: “May mga tao na walang Diyos subalit ang kinaka-inisanko ay kakabig sila ng bahagi ng nasabi kong kaisipan at ginagamit nila itong pansuporta sa kanilang kawalan ng paniniwala.” “Ang ipinagka-iba ko sa mga taong nagsasabing sila ay ateista ay ang kanilang pagpapa-mababang loob tungkol sa mga hindi maabot na lihim ng pagkaka-ayos ng kalawakan,” paliwanag niya. “Ang mga panatiko na ateista ay para silang mga alipin na nagdadala pa rin sa kalooban nila ng bigat ng bakal nilang tanikala na itinapon na nila pagkatapos silang naghirap. Naging nilalang sila – dahil sa kanilang inggit tungkol sa tradisyon na relihiyon na sabi nila ay ‘opium ng masa’ – dahil diyan, ay hindi nila marinig ang himig ng naka-buo-an.”
Kung sa ibang tao, ang mga milagro ang nagsisilbing pruweba at patunay na mayroong Diyos, ang kay Einstein naman, ay ang kawalan ng milagro ang siyang nagpapakita na mayroong Diyos."
PLEASE LISTED TO THE PODCAST FOR THE FULL AND COMPLETE EPISODE.
By Norma HennessyHistorical biographical account about Albert Einstein in three parts. The narratives are in two separate versions of Philippine languages: Tagalog and Ilocano. This is the THIRD of the three parts of the TAGALOG version.