Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at Ilocano

Si Alexander Graham Bell Ama ng Telepono 3(3) Tagalog


Listen Later

Historical biographical account about inventor Alexander Graham Bell. This 3-part narrative is in Tagalog (Philippines). This is the THIRD part of this narrative.

EXCERPT:

"Malapit ang pagkakaibigan ni Helen at si Alexander Graham Bell. Pareho silang galing sa pamilyang respetado at nasa mataas na posisyon hindi lamang sa sosyedad kundi pati sa kasaysayan ng Amerika. Pangalawang pinsan ng impong na babae ni Helen sa panig ng Keller ang bantog na si Heneral Robert Lee. Iginagalang na heneral ng kompederasyon ng Amerika si Heneral Lee. Matunton ang linya ng mga ninuno ni Helen sa linya ni Haring Edward na Una (1) ng Inglatera na pang labing anim (16) na henerasyon niyang impong na lalaki. Si Haring Henry na Ikatlo (III) ng Inglatera ang pang -LABIMPITONG (17) henerasyon na impong niyang lalaki.

Unang nakilala ni Alexander Graham Bell si Helen noong MIL OTSO SIYENTOS OTSENTA’Y SIYETE (1887). Anim na taon noon si Helen noong dinala ng kanyang mga magulang ito sa kanya upang ipa-konsulta.

Sa mga panahon na iyon, tanyag na noon si Alexander Bell dahil sa kanyang pagiging imbentor ng telepono. Subalit noong dinala ng mga Bell si Helen kay Alexander, nanunungkulan noon si Alexander na manggagamot ng mga batang hindi nakakarinig. Nanghiling ang mga magulang ni Helen ng rekomendasyon tungkol sa eskuwelahan at guro para sa isang batang bulag at bingi.

Itinuro sa kanila ni Alexander ang paaralan na napagkuhanan nila kay Anne Sullivan na siya nang naging guro at napagkatiwalaang gabay at kaibigan ni Helen.

Batay sa ala-ala ni Helen doon sa isinulat niyang biograpiya niya, sinabi niya na noon pa mang una niyang nakilala si Dr. Bell, naramdaman niya na kaagad ang kabait at katiyaga nitong manggagamot. Kinarga niya noon si Helen at hinayaan niyang laruin noon ng batang si Helen ang kanyang relos. Kay laking tuwa noon ni Helen noong nahawakan niya ang relos na ipinadama sa kanya ni Dr. Bell.

Sa mga sumunod na taon, dahil isinusulong noon ni Alexander ang prinsipyo na kinakailangang maturuang magsalita ang mga may kapansanan ng kawalan ng pandinig, naging modelo at inspirasyon niya sa paggagamot si Helen Keller. Si Helen ang pinakaunang taong bingi at bulag na nakapag-aral na magbasa, magsulat at nagsalita ng mahusay. Nagtagumpay pa nga itong magtapos ng propesyon sa unibersidad.

Inihandog ni Helen ang kanyang sinulat na sarili niyang biograpiya noong MIL NUEBE SIYENTOS TRES (1903) kay Dr. Alexander Bell. Napamagatan ito ng “Ang Kasaysayan ng Aking Buhay.” Sinabi ni Helen dito sa libro niyang ito na “…si Alexander Graham Bell ang nagturo sa mga bingi upang sila’y makapagsalita at ipinangyari niya na ang mga taynga ay makarinig ng talumpati mula Atlantiko hanggang sa mga mabatong lugar.”

PLEASE LISTEN TO PODCAST TO CONTINUE AND FOR THE FULL EPISODE.

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at IlocanoBy Norma Hennessy