Sign up to save your podcasts
Or

Inspirational biographical account about ‘Miracle Worker’ Anne Sullivan.
EXCERPT:
Marahil na paglalambing at paggalang iyong pagbansag ni Samuel Clemens na kilala sa kanyang panulat na pangalan na Mark Twain kay Anne Sullivan ng taguring “Miracle Worker” (manlilikha ng milagro). Subalit walang sinoman sa mga nakakaalam ng bukod-tanging nagawa ni Anne Sullivan ang tututol sa katotohanan inihahayag niyan.
Pinalad si Anne na pinagpalaan ng kakaibang galing sa pagtuturo. Sa kanyang pagpapatnubay at sa kanyang pagkabukas-palad sa kanyang pag-mamalasakit, kaisipan at paninilbi, nagawa niyang ipa-kaya sa isang batang bulag at bingi ang makapagsalita at maka-kamit ng di kapani-paniwalang abilidad at pananagumpay. Itong natamong bagay ni Anne ang naging inspirasyon ng mga magtuturo sa mga hindi nakakakita, walang pandinig at hindi nakakapagsalita. Sa ibang dako, si Helen Keller na ginabayan at inasikaso niya at naging kaibigan at habang buhay niya na nakasama ay naging dakilang inspirasyon ng sinuman sa buong mundo na magpupunyaging makatamo ng tagumpay.
Noong ika tres (3 ) ng Marso, 1887, MIL OTSO SIYENTOS WALOMPU’T PITO, nagka-kaedad noon si Anne Sullivan ng dalawampu (20). Katatapos lamang niya ng pag-aaral sa Perkins Institute na paaralan ng mga bulag noong siya’y dumating sa tahanan ng pamilyang Keller. Ang dahilan nito ay, bago noon, pumayag si Anne na maging tagaturo ng anim na taong gulang, na batang anak ni Koronel Arthur Keller. Bulag at bingi si Helen, ang batang kanyang a-alagaan. Nawala ang ilaw ng mga mata at pandinig ng bata noong siya’y sanggol pa lamang na labing siyam na buwan dahil sa isang kakatwang sakit. Ang araw na ito na pagpasok ng batang si Helen sa buhay ni Anne Sullivan ang namagbago sa buhay ng huli. Ito na rin ang panimulaang walang hangganang pagkakaibigan ng dalawa hanggang sa namatay si Anne noong 1936, (MIL NUEBE SIYENTOS TATLUMPO’T ANIM).
Matalino at madaming abilidad si Anne. Noong 1890, (MIL OTSO SIYENTOS SIYAM NA PU) , naobserba ni John D. Wright, ang nagpatayo ng Wright Oral School sa New York, isang institusyon na nagtuturo ng pagsasalita sa mga hindi nakakarinig o kaya bingi, ang talino ni Anne sa musika. Isinulat din pati ni Helen sa mga dokumentong isinulat niya na si Anne ay isang magaling na iskultor. Magaling din siyang magpatakbo ng kabayo bilang equestrian at mahilig din siya sa pagtu-tula. Subalit, basar sa kanyang mga sinulat, buo ang kanyang paniniwala sa kapalaran. Sinabi ni Anne sa mga sinulat niya:
“Ni hindi ako nakatagpo ng ganap na kagalakan sa aking pagpunyagi na mag-isa – hindi ko masabing kagalingan, dahil wala sa akin ang walang hanggang handog ng mga banal na diyos– kundi itong aking sariling pagnanais at kakayahan. Naitulak akong magkaloob ng aking sarili sa espiritu ng iba at masaya na sa himig ng instrumento na hindi ko pag-aari at sa patuloy na pagbibigay gabay sa pagpapabuti sa instrumentong iyan. Ilang beses akong natanong – ‘Kung ibigay sa iyo ang buhay para mabuhay ka muli, tatahakin mo ba uli ang daang tinahak mo?’ Magiging magtuturo kaya muli ako? Kung may buhay ulit na maibigay sa akin, ang palagay ko, ay ganoon din na kakaunti ang aking pagpipiliang propesyon na gaya ngayon. Ang wari ko ay hindi tayo nakakapili ng ating kapalaran. Siya ang pipili sa atin.”
CONTINUE ON (LISTEN TO PODCAST)
By Norma HennessyInspirational biographical account about ‘Miracle Worker’ Anne Sullivan.