Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at Ilocano

Si Dakilang Alehandro Part 1 (2) Tagalog version


Listen Later

Part 1 of 2 Inspirational biographical account about Alexander the Great in Tagalog

EXCERPT:

Naipanganak si Alehandro sa siyudad ng Pella sa kaharian ng Masedonya. Noong taong TRES SIYENTOS LIMAMPU’T ANIM (356) BC – BEFORE CHRIST O BAGO NI KRISTO. Siya ay anak ni Haring Felipe na Pangalawa (Philip II) at Reyna Olympias at pinangalanan siyang Alehandro. Galing si Haring Felipe na Pangalawa sa lahi ng Argead na siyang ninuno ng mga naunang mga naghari sa Masedonya.

Ikatlong anak si Haring Felipe Pangalawa ni Haring Amtas na Pangatlo (Amtas III). Naging ika labing walo si Haring Felipe Pangalawa na naghari sa Masedonya. Umupo ito na pumalit sa kapatid niyang si Perdiccas na Pangatlo noong ito’y namatay.

Sa pag-upo ni Haring Felipeng Pangalawa sa trono upang mag-hari, naghihirap noon ang Masedonya dahil pinasok ito ng tatlong nagkakasunod na puwersa na galing sa labas at nagtangkang nang-agaw ng kaharian. Mabuti na lamang at nakayanan ni Haring Felipeng Ikalawa na pinalakas at pinatatag ang sitwasyon ng kaharian. Nagpalakad ito ng mga reporma sa militar na siyang nagpalakas at nagpatatag sa puwersang militar ng Masedonya. Nakayanan niyang gawin ang Masedonya na siyang pinakamalakas sa lugar na kinasasakupan ng Yuropa matapos niyang malupig lahat ang mga kalapit niyang mga bayan na sinasakupan ng iba-ibang mga lahi. Itong lakas at tatag ng puwersa -militar ng Masedonya ay mina-na ni Alehandro noong siya na ang pumalit na hari ng Masedonya.

Si Reyna Olimpias na ina ni Alehandro ay naipanganak sa pangalang Myrtle (‘Mirtya’). Sinasabi sa kasaysayan na galing ito sa lahi ni Haring Aecus (‘E-ya-cos’) na isang Griego na nagmula sa kanuno-an ng diyos na si Achilles (‘Ak-hi-les’). Pinalitan ang dati niyang pangalan ng Myrtle at ginawang Olimpias dahil isang taon pa lamang siyang naging asawa ni haring Felipe, noong ang hari ay nanalo sa karera ng mga kabayo sa paligsahan na tinatawag na Olimpik. Itong Olimpik na nangyari ay karerahan ng mga pinakamaga-galing, pinakamaliksi at pinakamatatalinong mga kabayo.

Maibatay sa mga nakasulat sa mga lumang libro ng mga diyos na Griego na nakatira sa Bundok ng Olimpus, may paniniwala ang mga naunang mga taong Griego na ang tunay na ama ni Alehandro ay ang dakilang diyos na nanirahan sa Olimpus. Ito si Zeus. Si Zeus ang siyang pinakamataas at pinakama-kapangyarihan sa lahat ng mga diyos doon sa Bundok Olimpus.

Katangi-tanging mamuno at matapang na mandirigma si Haring Felipe na Pangalawa. Nagawa niyang ini-angat ang Masedonya na dakilang puwersa at iginagalang ng ibang mga kaharian. Subalit, hindi nakontento si Haring Felipe sa lawak ng kanyang kaharian. Ninais niyang pamunuan, pamahalaan at angkinin ang imperio ng Persia para idagdag niya ito sa Masedonya.

Noong nagka-edad ng labing dalawa (12) si Alehandro, nasaksihan ni Haring Felipe ang galing at katapangan ng bata. Napa-amo niya ang nakakailang- hawakan na kabayo at wala ni isa noon ang nakakayang mang-pigil at mamahala sa kanya. Mayroon noon isang mayamang manga-ngalakal at naglalako ng mga pinakamagaganda at pinakamagagaling na mga kabayo. Siya si Philonicus na taga Tissalia (Thessalia na ngayon). Pumunta si Philonicus kay Haring Felipe at inalok niya ang isang kabayong kakaiba ang tindig at kisig na pinangalanang Bucephalus. Prinesyohan ito ng halagang labing tatlong kakkaru. (Ang kakkaru o kaya talent ay siyang pangalan ng pera noon ng buong Mesopotamia).

CONTINUE ON (LISTEN TO PODCAST FOR THE REST OF THE STORY)

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at IlocanoBy Norma Hennessy