Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at Ilocano

Si Fridtjof Nansen sa Noruego Part 1(4) Tagalog


Listen Later

Historical biographical account about Norwegian scientist-explorer Fridjtof Nansen and his heroic and daring crossing of Greenland's ice cap. First of 4 episodes in Tagalog version.

EXCERPT:

"...Ang bahaging ito ay naratibo tungkol sa isang nabubukod-tanging Noruego at ang kanyang naisagawang paglakbay sa bahagi ng mundo na hindi pa noon napuntahan ng tao. Ang pangyayaring ito ay naganap noong mga ika labing walong (18) siglo, bago pa maimbento ang sasakyang panghimpapawid. At bagaman hindi masyadong naririnig na nababanggit ang pangalan ng mamang ito, malaki ang naging katuturan ng kanyang mga nagawa para sa katauhan. Malaking tulong ang kanyang mga naipamanang aral at kaalaman sa mga sumunod na henerasyon. Ang katotohanan niyan, magpahangga ngayon, ang sistema na kanyang ginamit sa kanyang paglakbay bilang eksplorer ay nagagamit pa rin ngayon. Ang ating paksa ngayon ay si FRIDTJOF NANSEN at ang naratibong ito ay tungkol sa kanyang MAKASAYSAYANG PAGTAWID sa GREENLAND. Ito ay siya ring KAUNA-UNAHANG PAGLAKBAY ng tao sa interior na higanteng hielo na nakasaklob sa buong isla. Maisasalaysay natin ang pangyayari sa seryeng ito na nahati sa apat na bahagi. Kilanlin natin si FRIDTJOF at ating tunghayan ang mundo at tiyempong kanyang pinagkabuhayan.

UNANG PAUNAWA

Sa isang dako ng mundo na nasa itaas na dulo ng planetang LUPA, narito ang mga malalamig na mga bayan. Isa dito ang nasyon ng Noruego (Norway) na kilala rin bilang “Kaharian ng Noruego.” Bahagi ito ng rehiyon na tinatawag na SCANDINAVIA na nasa Norteng itaas ng Lupa. Kilala ang ibabaw ng Lupa na siyang kabuo-an ng ARKTIKO (Arctic Circle) o SIRKULO ng ARKTIKO. Lupang kinaroroonan ng mga nagtataasang mga bundok ang Noruego at ang kanlurang bahagi nito ay natatakpan ng hielo at malaon nang mga tumigas na niebe. (*Sa kuwento nating ito, maari ding mababanggit dito ang mga karatig bayan ng Noruego na kasama nitong bumubuo ng Arktiko. At ito ang mga bayan ng Greenland, Islandia (Iceland) at Dinamarka (Denmark) dahil ang mga ito ay may kinalaman din sa mga ibang pangyayari dito sa salaysay na ito.

Kung nasanay ang mga tao na karaniwan na sa araw-araw ay nagbubukang liwayway at nagtatakipsilim bago dumating ang gabi, may ipinagkaiba doon sa bandang dulong Norte o Hilaga ng Noruego.

Pagdating ng buwan ng Mayo at Hunyo, lumulubog ang araw ng tatlo hanggang limang oras lamang sa gabi. At sa buwan ng Hunyo, ni hindi ito lulubog ng lubos. Ito ang buwan na tinatawag na ‘summer solstice’ o solstis ng tag-init at ito ang tiyempong pinakamahaba ang mga araw. Ang dahilan nito ay malapit ang Noruego sa North Pole o Pang-ibabaw na Dulo ng Daigdig.

Ang mga taong nakatira doon ay galing sa mga lahing matagal na panahon nang nabuhay at nanirahan doon. Kung kaya, nasanay na ang kanilang mga katawan sa katutubong lamig ng kanilang kapaligiran. Marahil na kakatwa kung bahit ang bansang ito ay labis-labis ang kalamig nito subalit nakikilala sa sandaigdigan na ito ang bansang naitalang may pinakamasayang mga naninirahang tao sa Lupa. "

PLEASE LISTEN TO THE PODCAST FOR THE FULL AND COMPLETE EPISODE.

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at IlocanoBy Norma Hennessy