Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at Ilocano

Si Jose Mujica Pinakapobreng Presidente sa Daigdig - Tagalog


Listen Later

Inspirational narrative about former Uruguayan president Jose Pepe Mujica in Tagalog.

EXCERPT:

".... ANG BUHAY NI PEPE : PANAHON noon ng dekada MIL SIYAM NA RAAN AT PITUMPO (1970). Prominente na kasapi si Jose Pepe Mujica sa isang kinatatakutan na lupon ng mga rebelde na kilala sa taguring TUPAMAROS sa Uruguay. Isang maliit na bansa ang Uruguay sa Timog-Silangan na bahagi ng Timog Amerika o Latinong Amerika. Bumibilang lamang ng tatlo hanggang apat na milyon ang kabuo-an ng populasyon doon. Ang Tupamaros, o lupon na Movimiento de Liberacion Nacional - o MLNT (Kilusan ng Liberasyong Pambansa) ay pagkakaisa ng mga rebolusyonaryo na lumalaban sa sistema ng gobyerno.

Sa mga panahong iyon, si Jose ang pangunahing rebelde na hinahanap ng mga otoridad para dakipin. Namuno noon si Jose ng ilang beses na pan-lusob sa mga malalaking bangko. At sa isa sa mga panlulusob na isinagawa niya, nagkaroon ng matindi at madugong bakbakan. Nakipaglaban sila sa mga pulisya.

Natamaan si Jose at lumusot ang anim na bala ng baril sa katawan niya. Subalit naligtasan niya ang kanyang pagkakatama. Hindi nagtagal at dumating sa kanya ang pagdusa na siyang nangpabago sa kanyang buhay. Sa mga naganap na pakikipaglaban ng mga rebolusyonaryo na lumalaban noon sa represibo na pamumuno ng gobyerno, hindi lamang buhay ng mga Tupamaros ang nanganib.

Maraming mga sundalo, pulisya at sibilyan ang nasangkot at namatay. May mga tatlong libo sa mga Tupamaros ang nahuli at nakulong. Siyam ang mga pinuno na kinabilangan ni Jose. Naihiwalay sila sa kadamihan ng mga kasamahan nila at napatawan sila ng pinaka-malupit na parusa.

Sa pagbabago ng tiyempo sa mga sumunod na taon, nagbago rin ang naging kapalaran nila. Tatlo sa mga kasamahan ni Jose ang nagtagumpay sa kanilang pamumuhay noong sila’y napalabas pagkatapos ng labin-dalawang taon na pagdurusa nila sa kulongan. Si Hernandes Huidobro ay naging politiko at manunulat. Si Henry Engler ay naging siyentipikong surhano sa utak. Si Mauricio Rosencof ay naging manunulat at makata. Ito ay nangyari pagkatapos na nabigyan sila ng patawad at amnestiya na idineklarA noon ng gobyerno ng Uruguay noon taong MIL SIYAM NA RAAN WALUMPO’T APAT (1984)."

LISTEN TO THE PODCAST FOR THE COMPLETE/FULL NARRATIVE.

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at IlocanoBy Norma Hennessy