Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at Ilocano

Si Marie Curie - Tagalog Version


Listen Later

Biographical and motivational narrative about physicist-scientist Madam Marie Curie in Tagalog language (Philippines).

EXCERPT:

"Lubos na mahalaga ang mga bagay na natuklasan ang siyentipikong ginang na si MADAM MARIE CURIE. Ang kanyang tuklas ang siyang nagpasimula ng mabilis na pag-progreso ng mundo. Dahil sa kanyang sipag, talino at masidhing interes sa pananaliksik, nadiskobrehan niya ang mga elemento na tinatawag na RADIUM at POLONIUM.

Mga elemento ito na may mahalagang pagkakagamitan sa pamumuhay ng tao sa mga sumunod na taon pagkatapos na natuklasan ito. Nakatulong ito ng malaki sa paghanap ng gamot ng sakit na kanser. At dahil sa kahalagahan ng mga elementong ito sa siyensa, ito ang naging batayan kung bakit kinilala at tinawag si Madam Curie na INA NG MODERNONG SIYENSA PISIKA.

Ano nga ba ang mga elementong RADIUM at POLONIUM? Ang radium ay makislap na parang pilak na metal na naglalaman ng radyasyon kung kaya ito ay mapanganib na elemento. Ito ay nakukuha na nakahalo sa mga bato na nagbibigay sinag at kinang. Ang mga batong nakahaluan nito ay nakukuha sa ilalim ng lupa at kinakailangan na ma-mina. Ang purong radium ay makislap na puting pilak ang itsura niya. Subalit ang nalilikha nitong sinag ay nagkukulay ng mapusyaw na asul kapag ito ay ma-hipan ng gas na ‘NITROGEN’. Ang gas na NITROGEN ay siyang pinakamalaking komposisyon ng gaas na nasa hangin sa kapaligiran at sa himpapawid. Ang elemento na RADIUM ay may puwersa o enerhiya na tinatawag na radyasyon o sinag.

Ang POLONIUM ay isang hindi pangkaraniwang elemento na metal na naglalaman ng radyasyon at nakukuha ito sa mga bato o mineral na kinaroroonan ng isa pang elementong tinatawag na URANIUM.

Itong uri ng enerhiya na RADIUM ay sumisinag ng kulay na mapusyaw na asul at sumusuot ito na naglalakbay sa anumang bagay sa kalawakan. Naglalakbay at dumadaan ito sa kahit anong bahagi ng kalawakan o himpapawid sa bilis na kaparis ng bilis ng paglalakbay ng liwanag. Tinatawag itong enerhiya na ito ng ELECTRO-MAGNETIC WAVE o alon ng napagsamang enerhiya na magneto at elektrisidad.

Ang pangunahing pagkakagamitan ng RADIUM ay sa mga paglikha ng gamot na nukleyar at pag-aaral kung saan gagamitin at sa paanong paraan magagamit ang gamot na nukleyar sa sekta ng siyensa na medisina. Tinatawag ang sistemang ito na pag-gammit ng gamot na nukleyar na “MEDISINANG NUKLEYAR” (nuclear medicine). Ang sekta ng kaalaman na medisinang nukleyar ay diyan pinag-a-aralan ang pinagmulan ng mga sari-saring mga elemento at kung ano ang kinabubuo-an ng mga ito; at kung papaano ang pagkakabuo ng mga ito. Ito ring sekta ng siyensang ito ang mang-a-alam kung paano magamit ang enerhiya na radyasyon para sa kalusugan. Sinasaliksik at ini-eksamen kung alin ang mabilis, madali o matagal na epekto ng radyasyon kapag ito’y gagamitin na panggamot sa mga sakit at mga kakaibang mga karamdaman. Ino-obserba din ang mga katangian ng mga elemento na makakapagpatagal sa buhay ng tao.

Ginagamit ang radium sa pamamagitan ng pagpo-proseso muna nito sa laboratoryo ng kimika upang makuhanan ito ng gas na tinatawag na RADON. Ang RADON ay ginagamit sa pangga-gamot ng sakit na kanser. Natuklasan ito ni Marie Curie kasama ng kanyang asawa na si Pierre Curie. Nadiskubre nila ang elementong ito na kasama ng isa pang elemento na tinawag na POLONIUM. Pareho ang mga elementong ito na nakahalo sa mga ka-ka-titing na kantidad sa isa pang elemento na tinatawag na URANIUM. Ang URANIUM ay elemento na namimina sa ilalim ng lupa.

Bago natuklasan ng mag-asawang Curie ang RADIUM at POLONIUM, natuklasan na noon ng isa pang siyentipiko na si HENRI BECQUEREL na ang URANIUM na nasa lupa ay nagbubuga ng sinag..."

PLEASE LISTEN TO THE PODCAST FOR THE FULL EPISODE

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at IlocanoBy Norma Hennessy