Sign up to save your podcasts
Or

Inspirational narrative about Armenia’s hero athlete- Shavarsh Karapetyan. The story is in Tagalog, a language of the Philippines.
EXCERPT:
"Nagsimula ang penomenang ito sa isang sakuna ng sasakyan.Isang araw noong MIL NUEBE SIYENTOS PITUMPO’T ANIM (1976), gaya ng kanyang karaniwang nakaugaliang gawin araw-araw, lumabas si Shavarsh Karapetyan upang mag-ensayo ng para sa kanyang pagka-atleta. Kasama niya noon ang kanyang kapatid at dalawa silang humayo upang tumakbo ng malayo. Itong pagtakbo nila ay para mapatibay ang kanilang mga katawan at upang isabak ang kanilang katawang mang-kaya ng sumisidhing hamon sa kakayanan nilang pisiko. Kung kaya itong araw-araw nilang pagtakbo ay bahagi ng kanilang ehersisyo na pampatibay sa kanilang kakayanang lumaban ng kapaguran. Ito’y preparasyon noon sa pagpunta ni Shavarsh sa kompetisyon ng langoyan sa Olimpik.
Katatapos lamang nila noong matakbo ang labindalawang milyang distansiya noong may nasulyapan silang behikulong pampasahero at puno ng tao na nahulog at bumagsak sa tagilirang tambak ng malaking lawa na deposito ng tubig. Unti-unting lumubog ang behikulo na trolley bus sa distansiyang walumpong talampakan (80) mula sa tambak at pailalim sa lalim ng tubig na Tatlumpo’t tatlong talampakan. (Mangyaring ang sukat ng pinagkalubogan ay maihambing sa isang gusali na tatlong baitang ang taas).
Walang salita o sandaling pag-alinlangan na biglang lumukso sa tubig si Shavarsh at mabilis na lumangoy papunta sa lumulubog na behikulo. Kaagad niyang narating ito at bagaman malabo ang paningin dahil sa nagulong tubig, nakayanan niyang natadyakan ang bintana sa likud ng behikulo. Naramdaman niyang nasugat siya sa salamin na nabasag sa kanyang ginawang panadyak, at hindi niya ininda ito.
Masinsinan niyang pinagsikapang iniligtas nang abot ng makakaya niya ang mga nakulong sa behikulo. Inisa-isa niyang hinila ang bawat mahagip niya at inilabas ang mga ito sa behikulo. Nasa tubig siya sa laon ng ilang oras dahil noong dumating ang tulong mula sa lokal na otoridad, siya at kasama ng kanyang kapatid, sila pa rin ang inasahan ng mga ito na magsagawa ng pagtulong sa ilalim ng tubig.
Ang nagsamang epekto ng lamig ng tubig at ng kanyang mga sugat ang siyang nagpa-ospital sa kanya. Nagkasakit siya ng malubha na pulmonya at naratay siya sa ospital ng apat na pu’t limang (45) araw mula ng aksidenteng iyon. Dahil sa matagal na inilagi niya sa tubig, nagkaroon siya ng SEPSIS na resulta ng impeksiyon. Ang sepsis ay kondisyong nakamamatay dahil kondisyon ito na ang dugo ay napasok na ng masasamang mikrobio.
Ang pagkakasira noon ng kanyang baga ay siyang namagtapos sa kanyang pag-asang mapasama na atleta sa olimpik. Ilang taon ang dumaan at ang kanyang kabayanihang ginawa na nagligtas ng mga naaksidenteng pasahero ay tila nakalimutan na. Subalit noong MIL NUEBE SIYENTOS WALUMPO’T LIMA, may nadaanan si Shavarsh na malaking gusali na nasusunog. Ito’y kaagad tumakbong sumaklolo sa mga taong nakulong sa apoy at usok. Hindi siya huminto na sumabak sa panganib upang mailigtas niya ang mga nasusunog na mga tao hanggang sa siya’y natumba na sa pagkahapo. Nadala ito sa hospital dahil sa pagkasunog ng katawan na nilasap niya. Bumigat din ang baga niya dahil sa dami ng usok na nalanghap niya..."
PLEASE LISTEN TO THE PODCAST FOR THE COMPLETE AND FULL NARRATIVE.
By Norma HennessyInspirational narrative about Armenia’s hero athlete- Shavarsh Karapetyan. The story is in Tagalog, a language of the Philippines.