May Thoughts Ako

Situationships? Beta Testing Ba 'To?


Listen Later

Habang naghihintay ako ng bagong episodes ng Bridgerton, napaisip ako kung gaano ka-structured ang love doon. May courtship. May malinaw na intensyon. May “What are your intentions?” energy na hindi offensive pakinggan.


Dito sa real life? May good morning, may update, may lambing… pero pag tinanong mo kung ano kayo, parang ikaw pa yung intense.


Sa episode na ’to ng May Thoughts Ako, pinag-usapan natin yung pagod sa modern dating na walang pangalan. Yung may closeness pero walang definition. May effort pero walang accountability. Hindi ito tungkol sa pagpapakasal agad. Hindi rin ito about pagiging clingy. Simple lang: kung may benefits, sana may label din.

Minsan mas kaya mo pang masaktan nang malinaw kaysa malito nang matagal. At habang tumatanda ka, nare-realize mo na hindi pala pressure ang clarity. Respeto lang siya sa oras at emosyon mo.


Hindi dramatic. Napagod lang sa “let’s see where this goes” na hindi naman talaga gumagalaw.


Topics Covered:

  • Bridgerton-inspired dating thoughts
  • Modern courtship vs situationships
  • Fear of labels
  • Emotional ambiguity
  • Clarity vs pressure
  • Emotional accountability
  • Late 20s relationship realizations
...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

May Thoughts AkoBy Louisse Esguerra