Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at Ilocano

Tagalog- Bukod Tanging si Helen Keller


Listen Later

Inspirational narrative about Helen Keller in Tagalog language.

EXCERPT:

Naipanganak si Helen Adams Keller noong DALAWAMPU’T PITO NG HUNYO, MIL OTSO SIYENTOS WALUMPO o Hunyo beynte siyete (27), 1880 sa Estados Unidos sa Amerika. Opisyal na sundalo sa konpederasyon ang kanyang ama na si Kapitan Arthur Keller.

Si Kate Adams Keller naman ang kanyang ina. Nasa alta sosyedad at mararangal ang pamilyang pinanggalingan ni Helen. Abogado at editor ng peryodiko ang kanyang ama at nanirahan silang mag-anak noon sa bayan ng Toscumbia sa norteng bahagi ng estado ng Alabama.

Noong labing-siyam na buwan pa lamang siyang musmos, nagkasakit si Helen ng napakataas na lagnat at ito ang naging dahilan na nawalan ng ilaw ang kanyang mga mata at nawalan siya ng paningin. Naisama ring nawala ang kanyang pandinig. Noong pitong taong gulang na siya, dinala si Helen ng kanyang mga magulang sa isang imbentor at doktor na si Doktor Alexander Graham Bell.

Maliban sa laganap na katanyagan ni Dr. Bell na imbentor ng telepono, isa rin siyang magaling na tagapagturo ng elokusyon o pagsasanay na magsalita ng maganda’t maliwanag, buong pagbigkas at mahusay na paggamit ng boses sa artikulasyon, pananalumpati, oratoryo at pagsasalita ng nararapat sa entablado.

Kasama ni Dr. Alexander Graham Bell ang kanyang imbentor din na ama na si Alexander Melville Bell na gumawa ng sistema ng pagsusulat at pag-iintindi sa mga pangusap at pananalita. Ang imbensiyon na sistemang ito ng mag-amang Bell, ay gamit ng mga taong hindi makarinig o bingi.

Ang sistema ay binubuo ng mga simbolo na magpapa-intindi sa hindi nakakarinig kung papaano iti maisasalin sa kaukulang tunog na mapapalabas sa pamamagitan ng partikular na paggalaw ng dila at lalamunan sa tulong ng ngala-ngala. Isang mediko na may pakikiramay si Dr. Alexander Bell sa mga hindi nakakarinig dahil ang kanyang ina mismo ay isang bingi. Noong makipag-usap noon ang bata pang Alexander sa kanyang ina, kailangan niya noong ilapit nang husto ang kanyang mga labi sa noo ng kanyang ina. Sa paglapit niya ng kanyang bibig sa noo ng nanay niya, mararamdaman ng kanyang ina ang tremolo ng napapalabas na tunog ng boses at dito niya iniintindi kung ano ang sinasabi.

Noong pumunta ang mag-anak na Keller kay Dr. Bell, pinayuhan sila nito na nararapat na kuhanan nila ng taga-turo at taga-alaga ang batang si Helen. Iminung-kahi ni Dr. Bell sa mag-anak na pumunta sila sa Boston na kinaroroonan ng paaralan ng mga hindi makakita at bulag – sa Perkins School for the Blind. Doon, inirekomenda naman sa kanila ng direktor ng paaralan ng Perkins, na subukan nila si Anne Sullivan, isang nag-aral din duon at katatapos lamang niya. Dalawampung taong gulang noon si Anne at siya’y nag-aral doon dahil meron din siyang diperensiya sa mata subalit meron siyang hindi-pangkaraniwang abilidad.

Ika a-tres ng Marso (Marso 3, 1887) o MIL OTSO SIYENTOS OTSENTAY SIETE) noong dumating ni Johanna (Anne) Mansfield Sullivan sa tahanan ng mga Keller upang alagaan at turuan niya si Helen. Namuhunan ng pasensiya, malawak na pang-unawa at pagmamahal si Anne sa kanyang pag-alaga kay Helen. Dahil dito nakayanan niyang sagipin ang batang Helen sa masaklap na kahirapan ng pagiging bulag at bingi.

CONTINUE ON (LISTEN TO PODCAST)

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at IlocanoBy Norma Hennessy