======= كلمات الحياة" ، "الأخبار السارة" ، "الأغاني الإنجيلية" - الأسرة العربية والخليجية واللغات العربية الأخرى المستخدمة في قطر" // "Words of Life", "Good News", "Gospel Songs" - Arabic Family, Gulf and Other Arabic Languages Spoken in Qatar=======

Tagalog - "Ginawa tayong Lahat ng Diyos".mp3


Listen Later

Tagalog - "God Made Us All".mp3 / mp3."تاغالوغ - "الله جعلنا كلنا.mp3 //
JUAN 1 - Ang Salita ng Buhay1Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. 2Sa pasimula ay kasama na siya ng Diyos. 3Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. Ang nilikha 4sa kanya ay may buhay, at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan. 5Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito nagapi kailanman ng kadiliman. 6At naparito si Juan na isinugo ng Diyos 7upang magpatotoo sa mga tao patungkol sa ilaw at upang ang lahat ay sumampalataya dito. 8Hindi siya ang ilaw subalit naparito siya upang magpatotoo patungkol sa ilaw. 9Ito ang tunay na ilaw: dumarating ito sa sanlibutan upang magbigay liwanag sa lahat ng tao. 10Dumating ang Salita sa sanlibutan ngunit hindi siya kinilala ng sanlibutang ito na nilikha sa pamamagitan niya. 11Pumunta siya sa kanyang bayan ngunit hindi siya tinanggap ng sarili niyang kababayan. 12Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos. 13Sila nga ay naging mga anak ng Diyos, hindi dahil sa isinilang sila ayon sa kalikasan o sa kagustuhan o sa kagagawan ng tao kundi ang pagiging anak nila ay dahil sa kalooban ng Diyos.Naging Tao ang Salita14Ang Salita ay naging tao at nanirahan sa piling namin. Nakita namin ang kaluwalhatiang tunay na kanya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Siya ay puspos ng kagandahang-loob at ng katotohanan. 15Nagpatotoo si Juan tungkol sa kanya. Isinisigaw niya, “Siya ang tinutukoy ko nang aking sabihin, ‘Ang darating na kasunod ko'y higit kaysa sa akin, sapagkat siya ay naroon na bago pa man ako ipanganak.’” 16Dahil siya'y puspos ng pag-ibig, naranasan natin ang masaganang kagandahang-loob ng Diyos. 17Dumating ang Kautusan sa amin sa pamamagitan ni Moises; ngunit sa pamamagitan naman ni Jesu-Cristo ay dumating ang kagandahang-loob at katotohanan. 18Kailanma'y wala pang taong nakakita sa Diyos, ngunit siya ay ipinakilala ng kaisa-isang Diyos na lubos na minamahal ng Ama.
...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

======= كلمات الحياة" ، "الأخبار السارة" ، "الأغاني الإنجيلية" - الأسرة العربية والخليجية واللغات العربية الأخرى المستخدمة في قطر" // "Words of Life", "Good News", "Gospel Songs" - Arabic Family, Gulf and Other Arabic Languages Spoken in Qatar=======By QatarWordsofLife