Maagang nasubok sa buhay ni Lester Manalo. Sa edad na 16, naranasan niya mawalan ng taong naging haligi niya sa ilang taon ngunit pinili niya magpakatatag. Nagsumikap siya at nagtrabaho habang nagaaral. Ngayon sa kabila ng mga pagsubok siya ay may sarili nang negosyo, isang events host professional at isang propesyunal na guro. Pakinggan natin ang kanyang talaarawan at ma inspire sa kwento ng pag asa ng kanyang buhay.