Boomers. Busts. Millenials. Zoomers. Noong unang panahon payapang namumuhay ang apat na henerasyon. Pero nagbago ang lahat noong lumusob ang Millenial Nation. Hi officemates! Sa mga pamilyar sa legendary story ni Aang, mapapansin ninyo na dito naka-base ang episode natin ngayon! Since ang corporate setting natin- sa unang pagkakataon ay binubuo ng apat na henerasyon, minabuting tulungan ni Mercs at Manny ang bagong Avatar (HR Manager) na si Jojo, isang Zoomer, upang maintindihan ang mga ito, at kung paano nagbabadyang manakop ng Millenial Nation.