Mahigit 1M Pilipino ang nasa Saudi Arabia ngayon. At nang dumating ang COVID-19 sa Middle East, Saudi Arabia ang isa sa mga tinamaang nang matindi. Umabot na sa mahigit 100 OFWs ang namatay sa coronavirus -- pinakamaraming bilang ng mga Pilipino na namatay sa ibang bansa.
Kumustahin natin ang mga OFWs sa Saudi sa pamamagitan ng isa sa mga aktibong OFW advocate sa Jeddah, Ka Bong Concha ng Kaagapay ng Bawat OFW.