Tanong 123. Ano ang ikalawang pagsamo? Dumating nawa ang kaharian Mo. Na ang ibig sabihi’y: pagharian Mo kami sa pamamagitan ng Iyong Salita at Espiritu nang kami ay mas lalo pang magpasakop sa Iyo. Ingatan at palaguhin ang Iyong iglesiya. Wasakin ang mga gawa ng diyablo, bawat kapangyarihang nag-aaklas laban sa Iyo, at bawat pakikipagsabwatan laban sa Iyong banal na Salita. Pangyarihin ang lahat ng ito hanggang ang kabuuan ng Iyong kaharian ay dumating na kung saan Ikaw ay magiging lahat sa lahat.