May pag-asa bang umasenso kung ipinanganak kang walang masyadong privilege?
Ang tampok nating Ehemplo dito ay si Mr. Alvin Santiago. Sa likod ng naglalakihang achievements at affiliations ay ang kuwento ng isang lalaking mula sa walang-wala. Nangarap, nag-sipag, at nagtiyaga....
Ngayon, ibang-iba na ang estado ng buhay. Bukod sa gift at grit, ibinahagi niya sa episode na ito kung paano naging posible ang lahat sa tulong ng Panginoon. Kung iaalay para sa Kanya ang bawat best natin, hinding-hindi Niya tayo bibiguin!