Ang kauna-unahang aklat sa Bibliya sa lumang tipan ay ang Genesis, ang ibig sabihin ay simula. Isinasalaysay sa aklat na ito ang paglikha sa sangdaigdigan, ang pinagmulan ng sangkatauhan, kasalanan at paghihirap ng sanlibutan. At ang paraan ng Diyos sa pakikitungo sa sangkatauhan. Samahan si Jo Cabrera-Alabastro para sa pangalawang parte ng programang Ang Tipan na pinamagatang “Ang Nawalang Paraiso” Ang programang Ang Tipan ay masusubaybayan Lunes hanggang Biyernes sa ganap na 3:10PM - 3:30PM sa himpilang 702 DZAS-FEBC RADYOTV Agapay ng Sambayanan.