Ito na ang buwan na pinakamasaya ang sangkabaklaan! Charot! Ngayong Hunyo, ipinagdiriwang ang Pride Month sa buong mundo- ipinagdiriwang at ipinaglalaban ang karapatan ng LGBTQ+ Community upang makamtan ang pagkakapantay-pantay at alalahanin ang mga lumaban para sa komunidad. Naks naman!
Sa agenda na ito, mag-barbie-han tayo tungkol sa aming mga kabaklaan. Mga chika na malamang sa alamang ay napagdaanan din ng mga kapatid natin sa pananalig. At siyempre, hindi naman mawawala ang mga kuwentong ally rin na nakatulong sa atin sa kalupitan ng mga chaka sa mundo! Happy Pride, mga mahal!!! We are valid! Trew????