
Sign up to save your podcasts
Or


Kumusta, mga mahal!!
Tunay na paunti-unti ay umuusad na tayo. Pero sa pag-usad natin, sabay-sabay nating balikan ang mga kasama natin na naging parte ng ating pagkamulat sa tunay na pagkatao. Pag-usapan natin ang kanilang mga ambag upang mas maging progresibo ang ating komunidad— at siyempre ay pasalamatan na rin. Kung gaano kahalaga ang kasalukuyan ay kasing kahalaga rin ng nakaraan.
Sa pangalawang PRIDE agenda ng Ututang-Dila, magbibigay pugay tayo sa mga nauna nang lumaban at patuloy na lumalaban. At lalaban pa lang?? ISAMA NA NATIN LAHAT!! Walang maiiwan sa journey na ito. Kita-kits sa makulay na bukas, mga mahal!
HAPPY PRIDE! 🏳️🌈
#AtinAngKulayaan
Disclaimer: Hindi pa ina-announce ang Pride March events nang i-record namin ito. Sorry na!
2022 Metro Manila Pride March and Festival 25 June 2022 | PASAY CITY
"Kababae mong tao..."
Marami puwedeng kasunod ang tatlong salita na 'to. At lahat ng puwedeng isunod dito ay masyadong mapandikta sa kung ano, sino, at paano "dapat" maging babae. E teka, may formula ba?
In this day and age, hindi natin maitatanggi na marami pa ring low-key misogynist na hirit ang lipunan tungkol sa mga babae. Joke man o coming from a place a love, meron talaga. Baka yung iba hindi nila alam na degrading pala yung mga sinasabi at ginagawa nila para sa mga babae. Di rin natin sure.
Para sa unang agenda sa ating 3rd Season ~uwu~ susubukin nating ipaalam sa madla ang mga bagay na maaaring iniisip nila ay maliit na bagay lang pero sa totoo ay may malaking epekto sa mga babae. Kasi koya, minsan, hindi na pagiging gentleman yung ginagawa/sinasabi mo. Paki-check din kasi baka misogynist ka na pala.
We know, we know, wala pa sa kalingkingan ang mga mapag-uusapan namin. Nasa surface level pa lang tayo. Kaya join the discussion, mga miron!
Na-miss namin mag-record jusko! Ayan tuloy pati youtube pinatos na namin.
Tag-ulan noon, ate Charo, nang maisip namin– bakit hindi tayo mag-record ng mga kuwento tungkol sa ulan? Kaya iyon ang ginawa namin hanggang sa, wala… wala na kaming maisip.
NARITO NA ANG UTUTANG-DILA: THE LOST AGENDA.
Sobrang at a loss talaga kami! Wala kaming ma-upload dahil sa ECQ kaya napagtripan naming i-upload ito. Tara, sabay-sabay nating pakinggan. Literal na ngayon lang din namin ‘to pakikinggan at tawang-tawa na kami kaagad sa kawalang kuwenta nito. Mahihiya talaga si Direk Tonet baka magpalit bigla ng title sa sobrang legit na walang kwenta nitong amin.
Walang filter. Walang cut. Walang halong anything. Kahit sense, WALA!
Ututang-Dila is your virtual barkada. Mga taong makakasama mong tumawa; magkukuwento ng mga maaaring kuwento mo rin; at hindi ka hahayaang mag-isa. Sa podcast na 'to, marami kang puwedeng masagap na kuwento -- mula sa pinakasabaw hanggang sa mga kontrobersiyal na usapan.
Kaya mga kapuwa miron, welcome sa inyong virtual tambayan. Feel at home!
From the publisher's feed