
Sign up to save your podcasts
Or


Ilang minutes mong binati yung kape mo para sa dalgona? Nagustuhan mo ba yung baked sushi? Saan mo nabili yung best ube-cheese pandesal? Nagbigay ka ba ng ayuda sa friends mo? Isa ka bang plantita/plantito o plantite?
After more than a year in quarantine dahil sa nagmamagandang si Ms. RONA, kung ano-ano nang naisip gawin ng mga tao sa bahay. In this quickie, binalikan ng mga miron ang mga quarantine trends at ang mga sinalihan nilang bandwagon. Walang judgment dito ha (o baka meron, di natin sure). Alam naming lahat tayo bored na. Kaya nga kami gumawa ng podcast e. Chos.
Nagbabalik ang mga miron matapos ang ilang linggo ng pagiging busy sa kaniya-kaniyang trabaho. Na-miss namin kayo! (taray daming listeners)
Travel has always been a privilege kahit bago magkaroon ng pandemic. Pero lalong ipinamukha ng pandemya na privilege nga itong talaga dahil sino nga ba ang mga nakabibiyahe ngayon? Edi mga may pera! Swab test pa lang magkano na, 'di ba?
Sa agenda na 'to, pag-uusapan ng mga miron kung ano ang kaniya-kaniyang travel essentials at mga tinatangay pauwi sa bawat biyahe nila (kahit currently bahay ng isa't isa lang talaga ang destination nila madalas). Ikaw ba ay solo traveler o di kayâ ay dependent sa friend mo pagdating sa mga galà? Ang agenda na 'to ay para sa 'yo! Dahil lahat naman talaga ng agenda ay para sa 'yo, kayâ nga kami nagre-record e.
Yung status ng friends mo sa Facebook on the way to Boracay, La Union, Siargao samantalang ikaw on the way to banyo, kusina, higaan. Ano naaaa?
Paalala: BE A RESPONSIBLE TRAVELER. Otherwise, sa loob ka ng bahay mo maglibot!
BABALA: maingay, puro tawanan, malupitang throwback, AND ALL ABOUT US.
Sa quickie na 'to, napili ng mga miron na balikan ang mga first impression nila sa isa't isa. May mga first time marinig at ay mga hindi naman na talaga nakagugulat. Alam naman nating lahat ang kasabihan na "first impressions last", di ba? Naniniwala ka ba ron? May mga judgment ka ba sa isang tao nang una mo siyang nakita tapos later on natuklasan mong mali ka pala?
First time nila pag-usapan ang mga unang impression sa isa't isa. Masaya paláng isipin lalo kung magkakaibigan kayo ngayon.
Makitawa kasama ng mga miron! Marami kayong matutuklasan tungkol sa kanila sa not so quickie na 'to. Sa susunod na quickie, dahil nabitin kami sa isang 'to, first impressions naman namin sa iba. *wink wink*
Isa ka ba sa mga biktima ng 1.1., 2.2., 11.11. at 12.12? Marami sa atin ang palaging abangers pagdating sa mga sale lalo na ngayong online ang lahat ng bilihin—mas madali. Pero paano pa nga ba natin masasabi na mahalaga at kailangan pa ang mga binibili natin?
Ang agendang ito ay para sa mga taong bigla na lang naglalaho ang sahod matapos ang payday dahil sa mga bayarin, bilihin at higit sa lahat...PAGKAIN! Samahan ang mga miron at tuklasin kung sila ba’y magaling sa paghawak ng pera at kung paano nila inaayos ang kanilang mga budget.
Laging tandaan, sina Lee Min Ho at Kathryn man ang nagsabi na "add to cart now", hindi ka dapat magpadala sa mga mata nila. Pagsubok lang 'yan, girl. Kumapit ka! 'Wag kang marupok!
Ikaw ba ay active sa tinder, bumble, grindr, blued, Her, at iba pang dating apps? Nakipagkita ka na ba sa naka-match mo online? Baka ito na ang quickie na para sa 'yo!
Alam naman namin na kating-kati na tayong makipagkita sa kung kani-kanino at makipag-date. Pero para sa "new normal" na mayroon tayo ngayon, ano kaya ang mas magandang celebration ng balentayms? Virtual na lang ba o face to face? Go, Tiyang Amy and Hanz Mortel!
Meron ka bang notebook nung elementary na hindi mo maitapon dahil nandun ‘yung Flames niyo ng childhood crush mo? O picture niyo ng ex mo na hindi mo madispatya dahil hopia ka pang may second chance??? Pwes! Ito na ang agenda for you.
Samahan ang mga miron na bumalik sa nakaraan at pag-usapan ang mga bagay na either may halaga o hindi lang mabitiwan.
#LetItGoAteGlo
Tanong ng bayan: Bakit may mga taong mahadera?
Madalas nating marinig ang salitang mahadera at makita sa mga post sa Facebook ngunit ano nga ba ang ibig sabihin nito at bakit sila ganito? Paano ba natin sila kauusapin at paano ba tayo mabubuhay sa paligid nila?
Samahan ang mga miron na pag-usapan ang mga mahadera at sabayan kaming maging mahadera with a heart. Charot!
May mga bagay ka bang pinagsisisihan dahil hindi mo nagawa? O dahil ginawa mo? Panigurado namang may mga risk worth taking at nakabuti sa pagkatao mo, 'no?
Sa agenda na ito, pinili ng mga miron na simulang magpakilala nang paunti-unti. Let's talk about risks! Maraming klase 'yan, e. Puwedeng studies, career, personal growth, o di kayâ ay pag-ibig. Kahit nga paghuhulog sa PhilHealth ay risky dahil ninanakaw--- ooops. Pili ka na lang kung anong chant ang gusto mo: "Oyy si papa lumaban, matapang!" o "O di ba, binawi mo rin?" o "Ayy si papa, nilaban, nasayang?" (Sexbomb Girls, National Artists for Dance)
Happy New Year, mga miron! Sana sa susunod na taon ay magawa ninyo ang mga gusto ninyo nang walang tákot na magkamali. At sana rin mawala na ang COVID19 para hindi na talaga tayo matakot.
From the publisher's feed