Ututang-Dila

Ututang-Dila

By Ututang-Dila PodcastSociety & Culture
Download on the App Store

Ututang-Dila episodes

  • Quickie 1: Magkaibigán to Magkaibígan? Yes ba 'yon?

    Tanong ng bayan: Puwede bang maging magkaibígan ang dáting magjowa?

    Magbabagà ba ulit ang mga puso at magsisilab ng apoy? E baka naman kasi hindi lang sila nag-click as couples and were better off as friends?

    At kailan naman kayâ hindi dapat maging friends ang mag-ex? 'Di pa naka-move on? Toxic? O may hidden agenda?

    Ano sa tingin ninyo, mga miron?

    #FriendsLangDapatWalangBenefits 

    15 min
  • Agenda 3: Tite? Penis? Parehas lang 'yan!

    Sex is sex. Kantutan ay kantutan. Pareho ng gamit, pareho ng sarap! Bakit ba tayo natatakot pag-usapan at tukuyin ang mga katotohanan ng buhay? Sabi ni Vlad sa GSP, "don't be scared of the word, it's not an insult." Kayâ bakit táyo matatakot sabihin ang puke at tite e bahagi lang naman ng katawan 'yon?

    Ang agendang ito ay may maseselang tema, lengguwahe, seksuwal, at katotohanan na dapat angkop sa lahat ng mga tagapakinig. 


    Follow Love Yourself Ph: https://www.facebook.com/loveyourself.ph

    #EndTheStigma #RHLaw #HIVAwareness #SaferNowPH

    28 min
  • Agenda 2: ALAK NA ALAK????

    "Kayo ba'y gáling sa opisina at medyo pagod? Wala kayong ibang gagawin kundi magrelaks, umupo sa sofa, magtanggal ng sapatos, magsuot ng tsinelas at magsalin ng... Banayad Whiskey... LASANG BLADE TALAGA ANG TAPANG E!"

    - Comedy King Dolphy

    Makitagay sa mga miron at makipagwalwalan sa pinaghalong alak at tawa. Masakit ito sa tiyan at sa ulo pero walang hangover dito. O wala nga ba? Let's gooooo!

    23 min
  • Agenda 1: LAH! Usapan laro lang e!

    Para sa unang episode ng mga mirón (na nagtagumpay), let's talk about games! Alam mo ba ang Secret Hitler, Quelf, at ang lolo ng lahat na Monopoly? Kung alam mo ang Among Us, alam mo ba ang Spy Hunt? Fun-fun lang talaga tayo rito, e. Pero ang laro, 'di ba, masaya man ay may cultural (and political) basis naman talaga kadalasan?

    Tara! Magkuwentuhan táyo. Málay mo maging friends táyo, 'di ba? Masayá kaming friends, pramis! O sige, kapag hindi ka natuwa sa amin libre mo kaming 24 Chicken.

    ig: @ututangdila  | twitter: @ututang_dila

    38 min

About Ututang-Dila

From the publisher's feed

Makisali sa tsismisan, bardagulan, at paminsang kritikal na kuwentuhan ng mga miron ng Malabon. Dahil sa pinagdadaanan ng Filipinas, napatunayan namin na nakababawas ng lungkot at lumbay ang makasali o makinig sa usapan ng ibang tao. Hindi natin alam kung sino ang nangangailangan makarinig ng mga sinasabi natin.