
Sign up to save your podcasts
Or


Bagong three term school calendar ang bumungad sa mga guro at estudyante sa muling pagbubukas ng eskwela. Pero sa unang linggo pa lang ng pasukan, nakikitang problema at dagdag pasanin na ang haharapin ng mga titser sa buong school year.Bakit nga ba ito inimplementa ng Department of Education? Talakayin natin 'yan pati na ang iba pang isyung edukasyon sa episode na ito ng #ALABAnalysis!
Sa ika-40 araw mula nang paslangin ang tinaguriang 'Negros 19, kinapanayam namin ang mga kalahok sa isang fact-finding mission na inilunsad sa mismong pinangyarihan ng insidente.Samahan si Inday Espina-Varona, Atty Sol Taule ng Karapatan, at Ariel Casilao ng Unyon ng Manggagawa sa Agrikultura sa ALAB Analysis!
Matapos ang mga kaguluhan sa Senado ngayong linggo, maraming tanong ang publiko. Bakit prinoprotektahan ng Senado si Bato Dela Rosa? Bakit tila naghahanda ang bagong liderato ng Senado na protektahan si Sara Duterte mula sa pananagutan? Nasaan si Pangulong Marcos sa gitna ng mga pangyayaring ito? At paano nga ba mapananagot ang mga nagkasalang opisyal ng gobyerno?'Yan ang pag-uusapan natin sa pinakabagong episode ng #ALAB Analysis!
Marami sa mga kababayan natin ang nasa krisis na naman dahil sa oil price shock at kawalan ng sapat na tugon dito ng pamahalaan.Kaya matunog na naman ang mga community pantry at community kitchen—na itinuturing na mga makabagong porma ng damayan.Pero kahit kapuri-puri ang inisyatibang ito, magandang pag-usapan: sapat na bang iasa sa iilang may mabuting kalooban ang problema ng kagutuman at kahirapan sa bansa?Samahan niyo kaming pag-usapan ‘yan sa #ALAB Analysis!
Mahigit isang taon na mula nang ipakulong ang dating Pang. Duterte sa The Hague. Para sa mga kaanak ng EJK victims at rights groups, isang hakbang ito tungo sa hustisya para sa libu-libong pinatay sa ilalim ng madugong war on drugs. Sa Buwan ng Kababaihan ngayong 2026, guest natin si Atty Krissy Conti para pag-usapan ang laban ng mga ina, kapatid, at asawa ng drug war victims para panagutin ang mga sangkot sa madugong drug war ng Duterte administration.
Mahigit isang buwan pa lang mula noong gumuho ang sanitary landfill sa Barangay Binaliw sa Cebu City, isang tambakan ng basura naman sa Rodriguez, Rizal ang gumuho noong February 20.Under investigation ngayon ang landfill operator na International Solid Waste Integrated Management Specialist. Pero paano nga ba matitigil ang ganitong sakuna?Sama-sama nating panoorin ang #ALAB Analysis.
Pagkatapos pumutok ang balita tungkol sa korapsyon, napunta ang spotlight sa isyu ng political dynasty. Ngayong dinidinig sa Kongreso ang anti-political dynasty bill, may pag-asa bang maisabatas ito? 'Yan ang pag-uusapan natin sa #ALAB Analysis!
Dininig na sa House of Representatives ang dalawang impeachment complaints laban kay Pangulong Marcos Jr. Waste of time daw ang impeachment, ayon sa ilang grupo. Totoo ba ito? Balikan ang pinakabagong episode ng ALAB Analysis kasama si Inday Espina-Varona, at Raymond Palatino ng Bagong Alyansang Makabayan!
From youth representative to women's representative—mapapatanong ka na lang talaga: nagpapahinga pa ba tong si Cong. Sarah?Straight from the House of Representatives, Gabriela Women's Party Representative Sarah Elago sits down with us to talk about the fight against corruption, what she does when/if she clocks out, wish list policies, and many many more!
Join us here at Talk Baks!
Ready ka na ba sa National Day of Protest against Corruption?
ICYMI, pinagusapan sa episode na 'to ng ALAB ANALYSIS ang malawakang protesta kontra korapsyon sa Luneta, sa People Power Monument, at iba pang bahagi ng bansa ngayong darating na September 21. Ano ang dapat asahan at ano ang gagawin pagkatapos nito?
PANOORIN at pakinggan ang talakayan kasama sina Kiko Aquino Dee at Teddy Casiño.
From the publisher's feed