Sa episode na ‘to, chismisan muna tayo—solo host lang dahil nang-hunt ng tarsier ang partner kong si Boss Pat 😅 Pero kahit medyo light ang simula, diretsahan tayong lulubog sa isa sa pinaka-mainit na issue ngayon: ang walang tigil na pagtaas ng presyo ng gasolina sa Pilipinas.
Disclaimer agad—hindi ako economist. Lahat ng pag-uusapan natin dito ay mula sa perspective ng isang ordinaryong middle-class na Pilipino. Pero sa totoo lang, expert ka man o hindi, pare-pareho lang tayong tinatamaan ng taas-presyo—pamasahe, bilihin, lahat damay. Simpleng logic lang: kapag tumaas ang gasolina, tataas ang lahat.
Pag-uusapan natin kung bakit ramdam na ramdam ito ng mga jeepney drivers at commuters, kung paano naaapektuhan ang araw-araw na buhay, at kung bakit parang kulang—or minsan insensitive—ang mga response na naririnig natin mula sa gobyerno. From ayuda na parang band-aid solution, hanggang sa mga statement na “hindi pa crisis”—uusisain natin yan base sa realidad na nararanasan ng karamihan.
Hihimayin din natin ang mas malalim na dahilan—ang epekto ng global conflicts tulad ng gera sa Middle East, at kung paano ang mga desisyon ng mga nasa taas ay direktang sumasampal sa bulsa ng ordinaryong Pilipino. At oo, may konting rant din tungkol sa pagiging short-sighted ng ilan pagdating sa pagsuporta sa gyera.
Sa dulo ng episode, isang tanong ang iiwan ko sa inyo: sapat ba ang sipag kung palpak ang sistema?
Medyo magulo, medyo ranty, at medyo trip-trip lang—pero tunay at galing sa nararamdaman ng isang karaniwang mamamayan. Gusto kong marinig ang thoughts niyo, kaya drop your opinions sa comments.
Salamat sa pakikinig! Don’t forget to follow “Ang Paborito Kong Podcast” sa Spotify, at sa Facebook at TikTok para sa mga clips. Share niyo na rin para mas marami pa tayong maabot 🙌