Noong una, simple lang ang buhay ng manggagamot na si Galban, ngunit ang kanyang mapayapang mundo ay guguho nang paslangin ng mga nilalang na galing sa dilim ang kanyang ina, at nanakawin pa ang kanyang makapangyarihang lampara. Sa pagnanais niyang ipaghiganti ang kanyang ina, hahanapin niya ang isang mahiwagang sandata na magagamit laban sa mga halimaw at demonyo. Ngayon, taglay ang isang bagong kapangyarihan at dalawang mapaminsalang sandata, hindi lang s'ya manggagamot na nagliligtas ng buhay kundi isa ring matapang na mandirigma na lalaban para sa hustisya.