Buwan ng Wika na naman! At sa pagkakataong ito, naisip kong balikan ang isa sa mga pinakatanyag na tagapagkuwento sa ating panitikan—si Lola Basyang.
Sa panahong tila mas nagkakawatak-watak ang mga Pilipino dahil sa iba't ibang paniniwala, pananaw, at opinyon, naisip kong ito ang tamang pagkakataon upang balikan ang mga kuwentong minsang humubog sa ating pagkatao—mga kuwentong nagpaalala sa atin ng kabutihan, paggalang, pagmamalasakit, at pagmamahal sa kapwa.
Sino nga ba si Lola Basyang? At bakit, makalipas ang mahigit isang siglo, patuloy pa ring nabubuhay ang kaniyang mga kuwento sa puso ng mga Pilipino?
Samahan ninyo akong muling magbukas ng panibagong aklat, dito lamang sa...
Isang Pahina. Isang Kuwento. Isang Aral.
Ang Sarap Pala Magbasa!