Baliwag Bible Christian Church [sermons]

Baliwag Bible Christian Church [sermons]

By Treasuring Christ PHReligion & SpiritualityChristianity
Download on the App Store

Baliwag Bible Christian Church [sermons] episodes

  • Gospel Community: The Message of 1 Corinthians
    Kung babasahin natin ang 1 Corinthians, magbibigay ito ng encouragement sa atin, sa church natin, na ang pagtanggap sa atin ng Diyos ay hindi nakadepende sa performance natin. Saan nakadepende? Kay Cristo at sa gospel niya. Kaya kung may ganito karaming mga problems sa church, ano ang solusyon? Not to try hard na mas maging maayos as if nakadepende sa atin ang solusyon, but to get rooted, to stay anchored in the gospel and our identity in Christ. https://treasuringchristph.org/2022/07/19/the-message-of-1-corinthians/
    1 hr 2 min
  • Gospel Power: The Message of Romans
    Para kanino ang gospel? For unbelievers? Yes. For us believers? Yes also! Kaya nga nasasabik siya na i-preach ang gospel sa kanila na mga believers na (1:15). Why? Paliwanag niya, “For I am not ashamed of the gospel, for it is the power of God for salvation to everyone who believes, to the Jew first and also to the Greek” (1:16). Power of God. Itong salitang ito (dunamis) ay ginamit din sa verse 4, tumutukoy sa kapangyarihan na bumuhay kay Cristo mula sa mga patay. Kung ‘yan ay “power of God” imagine kung anong klaseng kapangyarihan ang nasa gospel! If you are underestimating the gospel, you are underestimating God.
    1 hr 1 min
  • The Gospel and Church Membership (Eph. 2:19-22)
    Ang problem kasi, hindi natin naiintindihang mabuti kung ano ang ibig sabihin ng meaningful church membership. Hindi ito yung membership na nakalista lang ang pangalan mo. Hindi ito yung membership na sentimental lang. Meaningful ang pinag-uusapan dito, yung makabuluhan, yung merong active participation. Yung merong pagsisikap na magawa ang mga trabaho ng isang member na nakapaloob sa church covenant.
    58 min
  • Part 6 - The King Who Rescues (Daniel 6)
    Kung Christian teacher ka, tapos usual na sistema ang pandaraya. O Christian government employee ka, usual ang paglalagay o suhol. O nag-iisang Christian ka sa workplace, o sa mga kabarkada mo, kung ano ang worldliness nila ganun ka na rin ba? Nakanino ang tiwala mo? Kaninong salita ang mas mahalaga sa ‘yo? Sino ang pinaniniwalaan mong makapagliligtas sa ‘yo? Crucial questions na matutulungan tayo ng Daniel chapter 6 na masagot.
    1 hr
  • Part 5 - The End of Human Kingdoms (Daniel 5)
    Wala masyadong pinagkaiba yung lesson ng chapters 4 and 5. Parehong mayabang yung dalawang hari. Pero magkaiba yung pamamaraan ng Diyos para turuan sila. At magkaiba rin ang responses nila. At magkaiba rin ang ending. Actually, we need this over and over again, hanggang hindi pa natin lubos na kinikilala ang kamay na Diyos na siyang may hawak ng lahat.
    53 min
  • Part 4 - Pride and Humility (Daniel 4)
    Ang dali sa atin na ibaling ang paningin natin palayo sa Diyos as our only source of security in this world. Dahil alam ng Diyos na hindi ‘yan makakabuti sa kanyang mga anak, gagawin niya ang lahat ng magagawa niya—and he is Almighty God!—para magkaroon tayo ng tamang pagkakilala sa sarili natin at sa mga taong tinitingala natin, at tamang pagkakilala naman sa Diyos, to turn our eyes away from human kings to God our Savior-King.
    56 min
  • Part 3 - Idolatry and Devotion (Daniel 3)
    Ano ang ugat na sanhi nitong failure natin to represent who our God is in the political arena? Hindi lang naman dahil kulang at marami tayong hindi alam sa mga bagay-bagay sa mga kandidato at mga issues na may kinalaman sila. Totoo ‘yan, pero ang pinaka-problema natin ay ang maling pagkakilala sa Diyos, o maliit na pagkakilala sa Diyos, o pagkalimot kung sino ang Diyos na nakilala na natin. Ang totoo, we don’t have a political problem; we have a worship problem.
    1 hr 2 min
  • Part 2 - A Tale of Two Kingdoms (Daniel 2)
    Binigyan tayo ng Diyos na kapangyarihan to be his kingdom representatives, or ambassadors kumbaga, dito sa mundong ito. But we tend to be passive and fearful. Pero hindi pwedeng wala tayong gagawin. Hindi tayo dapat mag-give in sa passivity and fear. So, where do we get the power and wisdom and courage to act para samantalahin ang anumang opportunities na ibinigay sa atin ng Diyos to make a difference sa society natin?   Read full sermon notes here - https://treasuringchristph.org/2022/04/12/daniel-2/.
    1 hr 2 min
  • Part 1 - Non-Compromising Faithfulness (Daniel 1)
    Nadidiscourage tayo—na nauuwi sa kumpromiso ng ating pananampalataya—kapag hindi natin nakikita o nakakalimutan natin ang ginagawa ng Diyos sa mga nangyayari sa buhay natin at sa bansa natin. Kung ang approach natin sa story ni Daniel ay mali, we will miss this big theological point tungkol sa ginagawa ng Diyos. Dapat magkaroon tayo ng God-centered perspective sa pagbabasa ng story na ‘to.   Full sermon notes here - https://wp.me/po4gZ-6Gg.
    56 min
  • [Sermon] The Gospel According to Haggai
    Ang ministry dapat maging priority natin. Ang ministry natin dapat rin ay driven by God’s promises. Ang ministry ay dapat wag nating ihihiwalay sa holiness ng buhay natin araw-araw. At, ang ministry dapat ay Christ-focused. So, ano pa ang humahadlang sa ‘yo para bumalik sa paglilingkod sa gawain ng Panginoon? Sermon notes here: https://wp.me/po4gZ-6G6.
    52 min

About Baliwag Bible Christian Church [sermons]

From the publisher's feed

Taglish gospel-centered sermons preached every Sunday at Baliwag Bible Christian Church in Baliwag City, Bulacan. Most of the sermons are preached by Ptr. Derick Parfan. For more Taglish…