Share Barangay Love Stories
Share to email
Share to Facebook
Share to X
By Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.
4.6
5959 ratings
The podcast currently has 439 episodes available.
Boyfriend material si Lino, siya ang jowa na hinahanap ng marami. Kaya nang subukan ni Lino na ligawan si Georgette, hindi na nagpakipot pa ang dalaga. Masaya at maayos ang relasyon nilang dalawa hanggang sa malasing si Lino at mai-kuwento niya sa kanyang girlfriend ang 'issues' niya sa kanyang ama. Pakinggan ang kwento ni Georgette sa Barangay Love Stories.
Mahirap makahanap ng taong perfect match for you. Pero para sa mommy ni Marga, hindi mahalaga ang personality ng mapapangasawa mo dahil dapat kaya ka rin nitong buhayin. Sa madaling sabi, mayaman din ang gusto niya para sa kanyang unica hija. At si Marga, hindi kakayanin ang panggigipit sa boyfriend niya. Pakinggan ang kwento ni Marga sa Barangay Love Stories.
Panahon na naman para dalawin nina Brando ang puntod ng mga kamag-anak nila. Habang naglilinis sa puntod ng kanyang lolo, may nakitang gintong kwintas si Brando. Para sa tulad niyang hindi naniniwala sa multo o anumang pamahiin, walang pagdadalawang-isip niyang binulsa ang kwintas upang ito ay ibenta. Pakinggan ang kwento ni Brando sa Barangay Love Stories.
Para sumarap ang buhay mag-asawa, dapat puno ito ng pagmamahalan. Pero baka magbago ang timpla ng inyong pagsasama kapag may kontrabida. Hindi boto si lola Connie kay Tristan na napangasawa ng mahal niyang apo. Matapos ang kasal, tumira si lola Connie sa condo ng newly weds na may isang layunin, ang subukin at pahirapan ang bago niyang grandson-in-law. Pakinggan ang kwento ni Tristan sa Barangay Love Stories.
May mga relasyon na mas matibay dahil nagsimula sa pagkakaibigan pero hindi naging applicable kay Tristan at Lumi iyon. Sinubukan naman nilang maging maayos na magkarelasyon pero hanggang BFF lang talaga ang kaya nila. Supportive pa rin naman sila sa kasiyahan ng bawat isa lalo nang mabalitaan nila ang muling pagbabalik ni Chelsea, ang dalagang tinitibok ng puso ni Tristan. Pakinggan ang kwento ni Tristan sa Barangay Love Stories.
Part 2 of 4 | Madalas sa panliligaw hindi mo alam kung titigil ka na o susuyuin pa ang isang dalaga na nagsasabing ayaw niya sa iyo. At dahil sa paulit-ulit na pagsabi ni Chelsea na hindi niya type si Tristan, tuluyan na nga niyang tinigil ang panliligaw para makipagkaibigan na lang sa kapatid ng kanyang kaibigan. Sakto naman na nagtapat na rin kay Tristan ang childhood BFF niyang si Lumi na matagal na palang may lihim pagtingin sa kanya. Magkakajowa na kaya ulit si Tristan. Pakinggan ang kwento ni Tristan sa Barangay Love Stories.
Part 1 of 4 | Sabay nang nagbinata si Tristan at ang bestfriend niyang si Jake. May nakababatang kapatid si Jake na hindi naman naging ka-close ni Tristan dahil nag-abroad ito. At nang bumalik si Chelsea sa Pilipinas, pakiramdam ni Tristan ay handa na ulit siyang magmahal. Buti na lang todo support si Jake sa kanya. Pero uubra kaya si dentist Tristan sa inglesera at party girl na si Chelsea. Pakinggan ang kwento ni Tristan sa Barangay Love Stories.
Sa hirap ng buhay ngayon, hindi mapagsabay ng iba ang paghahanap ng pag-ibig at paghahanap ng pera. At sa katulad ni Pinang na 'nalipasan na ng panahon', parang ayaw niya na ring pagbigyan ang sarili niyang kiligin. Pero hindi papayag sa ganun si Kaloy dahil masugid niyang liligawan ang astig na tricycle driver na si Pinang. Pakinggan ang kwento ni Pinang sa Barangay Love Stories.
May mga tao pa ring mahilig mangutya dahil sa panlabas na itsura pero si Johanna, wapakels sa mga taong ganoon. Mataba si Johanna at confident siya sa kanyang sarili. Kaya nang makilala niya ang total package na si Dennis, feeling niya naman ay may pag-asa siya sa gentleman at super-duper bait na binatang ito. Pakinggan ang kwento ni Johanna sa Barangay Love Stories.
Sa panahon ngayon hindi na issue ang edad sa pagtupad ng mga naudlot na pangarap. Malapit na maging senior citizen si Carlota at isa sa mga goals niya ay ang makapagtapos ng college. Pero first day pa lang ng pasukan ay nagkaproblema na agad siya nang harangin siya ng security guard ng university. Pakinggan ang kwento ni Carlota sa Barangay Love Stories.
The podcast currently has 439 episodes available.
93 Listeners
270 Listeners
27 Listeners
332 Listeners
4 Listeners
23,907 Listeners
562 Listeners
69 Listeners
1 Listeners
536 Listeners
9 Listeners
1 Listeners
1 Listeners
20 Listeners
418 Listeners