Normal na siguro sa magkakapatid ang paminsan-minsan na pag-aaway pero kung palaaway pa rin ang isa kahit tumanda na, parang may problema na ata.
Mula pagkabata, mapang-asar at mapagkumpara na talaga si Natalie. Buti na lamang ay mapagpasensiya sina Oliver at Shanel. Sa tatlong magkakapatid, si Natalie lang ang ayaw mag-ambag sa kanilang tahanan. Hindi naman sana isyu iyon pero masyado niyang kinakalaban ang lahat dahil sa kagustuhan niyang umangat.
Pakinggan ang kwento ni Shanel sa Barangay Love Stories.