Mga ka-baller! Handa na ba kayo para sa pinakamalaking Filipino basketball event sa Lower Mainland? 🇵🇭🏀
Sa episode na ‘to, pag-uusapan natin ang Sinagtala Basketball Fest na gaganapin sa Langley Events Centre ngayong May 23–25, 2026. Hindi lang ito basta laro, kundi isang malaking selebrasyon para sa ating Pinoy community, kasama pa ang Vancouver Bandits!
Anong aabangan sa episode na 'to?
Baliklaro 35+: Sino ang mga "Tito" na may lason pa ang jumpshot? Kaya pa ba o kailangan na ng Salonpas?
Elite vs. Recreational: Saan ba dapat sumali ang team mo? Bragging rights o katuwaan lang?
Next Gen 3x3: Ang mga batang Batang Pinoy (U11-U17) na susunod na maghahari sa court.
Draft Night: Bubuo kami ng sarili naming "604 Dream Team." Sino ang pasok sa aming starting five?
Huwag magpahuli! Kung gusto mong malaman kung paano mag-register o gusto mo lang makinig sa kulitan tungkol sa basketbol, pindutin na ang Play button!
Mag-register na sa: banditsfoundation.ca/sinagtala