DEHADO 
Lyrics, Music and Melody by Iiko 
Arranged by Slow Dive 
Huwag ka nang malungkot, Pag-iisa'y may lunas din 
Buhay mong nakakalungkot, Telenobela'y matatapos din 
Masyado kang seryoso, Nakakapagod ang ganito 
Masyado bang dehado? Nakakapagod. 
Kung hindi para sa'yo, huwag mong piliting dumating 
Hindi sayang ang panahon, Paghihintay ay pag-ibig din 
Masyado kang seryoso, Nakakapagod ang ganito 
Masyado bang dehado? Nakakapagod. 
Managinip nang gising 
Sumayaw sa alon, sa hardin ng mga bituin 
Bahala na kung sa'n dalhin 
Pagsampal ng kahapon lahat ay panaginip pa rin 
Hindi ka ba nahahapo? 
Habol nang habol sa takbo nang takbo 
Minsan ang akala mong totoo ay hindi pala ito, hindi pala ito 
Masyado kang seryoso, Nakakatakot ang ganito 
Masyado bang dehado? Nakakatakot.