https://www.briandys.com/cascadians-school-song/
Oi mga repapips, magandang good day sa inyong lahat!
Ako si Brian Dys, isang composer ng electronic music, photographer at UX designer.
Andito ako ngayon para i-share sa inyo na nalalapit na ang pagtatapos ng school year ni Bryce (anak ko na 6 years old).
Tinanong ko siya kung anong nararamdaman niya na sa susunod na buwan, iba na ang makakasama niya sa klase. Ok lang daw, kasi makakausap pa rin naman niya yung mga kaibigan niya online, at tsaka maglalaro pa rin sila ng Roblox.
Mukhang mas may sepanx pa kami ni Jaycelle kesa sa kanya dahil gusto namin yung adhikain ng Cascades (yung school ni Bryce ngayon). Sustainability and creativity, independence, practicality --- ilan lang yan sa mga salitang mailalarawan ko para sa school. Dahil nga lumipat na kami ng tirahan, meron mas malapit na school dito, at gusto naming subukan.
Balik tayo sa sepanx. In retrospect, sadyang nakakalungkot ang mga graduation dahil alam nating hudyat ito ng crossroads ng mga magkakabarkada. Dito rin nasusubok kung gaano katibay ang pisi na nagco-connect sa sa'yo at sa bespren mo. Sa totoo lang, habang inaalala ko yung mga graduation, mas excited ako sa bakasyon. Yung pagkikita namin ng mga katropang kaklase, para bagang nasa school lang ang context, may bakasyon din. May kanya-kanya nga naman tayong mga buhay.
Sa kabila ng lahat, bawat pinto na sinasarhan natin, tayo ay pumapasok sa bagong yugto ng ating buhay. Mga aral at maturity ang baon natin sa mga bagong daang tatahakin, mga bagong taong makikilala, at higit sa lahat mga kaibigan na aalagaan kahit pa magkakaiba na ang ating mundo.
Anyway, para sa pagtatapos na'to ng school year ng anak ko, nag-compose siya ng isang kanta at ako lang ang tumipa ng kwerdas. Tara, jam na tayo!
Ayos, sana ay nagustuhan niyo.
Salamat, at hanggang sa muli. Ingat mga repapips!